Sangkap na pampalasang ginagamit sa ating pakikipagtalastasan.
Sa tulong nito ay malinaw na naipahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
Tatlong uri ng Ponemang Suprasegmental
Tono
Haba at Diin
Hinto o Antala
Tono
Ito ay ang pagtaas-pagbaba ng boses na iniuukol ng nagsasalita sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang pakikipag-usap sa kapwa. Sa pamamagitan nito ay mas malinaw na maiintindihan ng mga nakikinig ang nais ipahayag.
1 - mababa
2 - katamtaman
3 - mataas
Haba at Diin
Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa pantig ng salita.
Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Hinto o Antala
Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Sa pagsulat, ginagamit ang kuwit (,) bilang tanda ng antala.
Paglalagom
Ang ponemang suprasegmental ay mahalagang salik upang mabigyan ng tamang pagpapakahulugan ang isang pahayag.
Ang tamang diin, tono, at antala ay nararapat bigyang pansin upang maiparating sa mga tagapakinig ang tunay na damdamin at kahulugan ng isang tula tulad ng Tanka at Haiku.