Unang koleksyon ng mga tanka na naging patunay na mayroon bukod na panitikan kabilang ang mga Haponese.
Madali para sa mga manunulat ang pagbuo ng tanka, ngunit mahirap para sa mga mambabasang unawain ang mensahe nitong tukuyin ito.
TANKA
Ito ay binubuo ng limang taludtod o linya.
Mayroong 31 pantig at matatapatan sa kabuuan ng isang tanka.
Ito ay sumusunod sa padron (pattern) ng pantigang 5-7-5-7-7. Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig ng taludtod nang hindi nagbabago ang kabuuang bilang ng pantig nito.
Ito ay kabilang sa maikling awitin ng Japan.
Tanaga
Sinunuang anyo ng maikling tulang Tagalog, binubuo ng apat na taludtod na tugmaan, may sukat na pitong pantig ang bawat taludtod (7/7/7/7) at nagpapahayag ng isang buong diwa.
HAIKU
Katumbas ito ng tulang tanaga ng Pilipinas.
Ito ay nangangaluhugang "kakaiba" o "di-pangkaraniwan."
Binubuo lamang ito ng tatlong taludtod o linya, na may 5-7-5 na bilang ng pantig. Maaaring wala itong partikular na tugmaan.
Kalimitan, ang tema nito ay may kaugnayan sa kalikasan o sa buhay ng mga tao.
HAIKU
Kagaya ng tanka, kailangang suriin muna ang kabuuan ng tula upang matukoy ang tunay na mensahe nito sapagkat gumagamit din ng matalinghagang salita ang haiku.
Matalinghagang Salita
Ito ay mga salitang may payak na kahulugan na maaaring di pangkaraniwan o nababatay sa pakahulugan ng taong gumagamit nito.
Hindi literal o katulad sa disyonaryo ang kahulugan ng matalinghagang salita.
Ito ay ginagamit sa mga tayutay na kung saan mayroon nakatagong kahulugan.
Ang Tanka at Haiku ay pareho nang nasa anyong patula na nagpapahayag ng masidhing damdamin, gayunpaman, mayroon din pagkakaiba ang dalawa.
TANKA
Karaniwang pinapaksang ito ang patungkol sa pagbabago, pagkakaisa, at pag-ibig.
Nagpapahayag ito ng masidhing damdamin sa paggamit ng matatalinghagang salita.
Dahil sa kaikliang ito, kalimitan itong nagkakaroon ng iba’t ibang pakahulugan sa mga mambabasa.
Ikalabinlimang siglo naman nang pumailanlang sa mundo ng panitikang Hapon ang haiku.
Nakilala at lumaganap din ito sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.