mga salitang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay o pangungusap. Ito ay nagpapakita ng relasyon ng dalawa o higit pang bilang ng yunit sa isang pangungusap.
MGA PANG-UGNAY NA MAARING GAMITIN SA PAGPAPAHAYAG NG OPINYON
Pagdaragdag
Paghahambing
Pagpapatunay
Pagpapakita ng Oras
Pagpapatunay
Sa pagpapahayag ng opinyon, ang mga pangatnig na ito ay naglalahad ng ebidensiya o katunayan na sumusuporta sa iyong pananaw o opinyon.
Mga halimbawa ng pang-ugnay na ginagamit sa pagpapatunay: kung saan, dahil sa, para sa, tunay na, sa katunayan, at iba pa.
Paghahambing
Ginagamit ang mga pang-ugnay na ito kung sa pagpapahayag ng opinyon ay mayroong paghahambing sa isyu o paksa na pahayag.
Ang mga halimbawa ng pang-ugnay sa paghahambing ay ang pero, sa kabila banda, subalit, gayon man, at iba pa.
Pagdaragdag
Ito ay ang mga pang-ugnay na ginagamit kung magdaragdag ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap sa pagpapahayag ng opinyon.
Ang mga halimbawa ng pang-ugnay na ginagamit sa pagdaragdag ay ang at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa, at iba pa.
Pagpapakita ng Oras
Ang mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng pagbibigay diin sa oras o panahon ng paksa binibigyan ng panawaan.
Halimbawa ng mga ito ay kaagad, pagkatapos, sa lalong madaling panahon, sa wakas, noon, at iba pa.