titulo - ito ay naglalaman ng pangalan ng teksto at nagbibigay ng preview ng impormasyon na nakasaad sa teksto
teksto - ito ang mga salita na nakasulat sa teksto, hindi ito naka organisa sa para-paraan ng isang sulat, bagkus ay nakaayos sa mga larawan, grapiko, disenyo, at iba pang elemento ng sining
larawan - ito ay mga visual na elemento na nagpapakita ng isang kaisipan o mensahe. ito ay maaaring kahit anong uri ng larawan tulad ng mga larawan ng tao, hayop, lugar, bagay, o mga grapiko
disenyo - ito ay mga elemento ng sining na ginagamit upang magbigay ng estetikong halaga sa teksto. ito ay maaaring magpakita ng mga kahon, linya, kulay, at iba pang elemento ng sining
pahayag ng layunin - ito ay naglalaman ng kahulugan ng teksto at naglalayong magbigay ng ideya sa mambaba sa tungkol sa kaisipan o mensahe na nakapaloob sa teksto
infographic - isang visual na imahe tulad ng isang tsart o diagram na ginagamit upang kumatawan sa impormasyon o data
poster - isang karaniwang malaking naka-print na sheet na kadalasang naglalaman ng mga larawan at naka-post sa isang pampublikong lugar para mag-promote ng isang bagay
flyer - isang maliit na piraso ng papel nag-a-advertise ng isang produkto o kaganapan na ibinibigay sa maraming tao
komiks - ang komiks ay isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita, at larawan na siyang nagsasalaysay ng diwa ng kuwento