pinaniniwalaang walang nag-iisang paraan ng pag-unawa o pagbasa sa isang akda
bubuwagin o sisirain ang nakasanayang paraan ng pag-unawa sa isang akda at pagkatapos ay muling bubuo ng panibagong pananaw hinggil sa akda na nakabatay sa mga ideolohiya ng realidad
mas nagiging kritikal at malikhain ang mambabasa sa pag-unawa sa akdang binabasa
Iba't Ibang Padron ng Pag-iisip (Thinking Pattern)
Pagbibigay Depinisyon
Wastong Pagkakasunod ng mga Pangyayari (Sekwensiyal)
Sanhi at Bunga
Pagbibigay Depinisyon
Isa ito sa mga padron ng pag-iisip na ginagamit sa isang sanaysay upang maipaliwanag at maibigay ang kahulugan nito.
Wastong Pagkakasunod ng mga Pangyayari (Sekwensiyal)
Isa ito sa mga padron ng pag-iisip na ginagamit sa isang sanaysay na ipinaliliwanag kung paano ang isang pangyayari ay may kasunod na isa pang pangyayari.
Hinihudyat ito ng mga salitang nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
Sanhi at Bunga
Isa ito sa mga padron ng pag-iisip na ginagamit sa isang sanaysay upang ipahayag ang dahilan at bunga. Hinihudyat ito ng mga pang-ugnay na nagha-highlight ng sanhi at bunga.