KABANATA 1_MODYUL blg.02 BATAYANG KAALAMANG PANGWIKA

Cards (25)

  • Constantino at Zafra (2000) - Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o magkausap ang isang grupo ng mga tao.
  • Constantino - Ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin
    sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan
  • Henry Gleason - Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
  • Mangahis et al. (2005) - Ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan.
  • Bienvenido Lumbera (2007) - Parang hininga ang wika.
    Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat
    pangangailangan natin.
  • Ang wika ay masistemang balanghas - Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan para makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at panayam.
    • Ponolohiya - tunog
    (Ponema)
    • Morpolohiya - salita
    (Morpema)
    • Sintaksis - pangungusap
    • Diskurso - Makahulugang palitan ng sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.
  • Ang wika ay sinasalitang tunog - Ito ay sinasalita na galing sa magkakasunod-sunod na tunog na humuhugis sa paraan ng iba't ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita o speech organs.
  • Ang wika ay arbitraryo - Ang wika ay napagkakasunduan ng mga tao o pangkat na gumagamit nito.
  • Tagalog- Bigas
    Kastila - Aroz
    Cebuano - Bugas
    Ingles- Rice
  • Ang wika ay pantao - Ang wika ay isang ekslusibong pag-aari ng mga tao. Sila ang mismong lumikha at sila rin ang gumagamit.
  • Ang wika ay kaugnay ng kultura - Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat, nagdudulot tuloy ito ng pagrakaiba-iba ng mga wika sa daigdig.
  • Ang wika ay ginagamit - Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting mawawala ito kapag hindi ginagamit.
  • KATUTUBONG WIKA NA MAITUTURING NG
    PATAY SA PILIPINAS
    1. Inagta Isarog ng Camarines Sur
    2. Ayta Tayabas ng Tayabas, Quezon
    3. Katabagan ng Bondoc Peninsula, Quezon
    4. Agta Sorsogon ng Prieto Diaz, Sorsogon
    5. Agta Villa Viciosa ng Abra
  • PANGUNAHING WIKANG GINA GAMIT SA PILIPINAS
    1. Tagalog
    2. Cebuano
    3. llokano
    4. Hiligaynon
    5. Bikol
    6. Waray (Samar-Leyte)
    7. Kapampangan
    8. Pangasinan
    9. Maranao
    10. Maguindanao
    11. Kinaray-a
    12. Tausug
  • Ang wika ay dinamiko - Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya.
  • TUNGKULIN NG WIKA
    1. Interaksyonal
    2. Instrumental
    3. Regulatori
    4. Personal
    5. Imahinatibo
    6. Heuristik
    7. Impormatibo
  • Interaksyonal - Pinapanatili ang mga relasyong panlipunan.
  • Instrumental - Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang kanyang nais gawin.
  • Regulatori - kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba. (memorandum, patakaran, resolusyon)
  • Personal - Naipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw, at opinyon.
  • Imahinatibo - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa
    malikhaing paraan.
  • Heuristik - Naghahanap ng mga impormasyon.
    • Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit ng mga kaalamang akademiko at/o propesyonal.
  • Impormatibo - Ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangang maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos at impormasyong hatid ng mundo.
  • KATANGIAN NG WIKA
    1. Ang wika ay masistemang balangkas.
    2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
    3. Ang wika ay arbitraryo.
    4. Ang wika ay pantao.
    5. Ang wika ay kaugnay ng kultura.
    6. Ang wika ay ginagamit.
    7. Ang wika ay dinamiko.