Pagsulat

Cards (7)

  • Pagsulat (Rogers, 2005)

    Ito ay masistemang paggamit ng grapikong marka na kumakatawan sa espesipikong lingguwistikong pahayag.
  • Pagsulat
    Malaki ang gampanin ng pagsulat upang maging mabisa ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa.
    sa tulong ng pagsulat, madaling nakapagbabahagi ng impormasyon ang isang tao.
    matutukoy rin ang opinyon o pananaw tungkol sa isang paksa.
    tumutulong sa paghubog ng kasaysayan (at patuloy pa)
  • Pagsulat ayon kay Peck at Buckingham
    Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasan na natamo ng mag-aaral sa pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa.
  • Pagsulat para sa komunikasyon
    Nagsusulat ang isang tao upang magpabatid ng impormasyon (transaksiyonal) o magpahayag ng damdamin o saloobin (ekspresib).
  • Pampahayagang pagsulat

    Nagpapasa ng kaalaman ang manunulat sa pamamagitan ng pagbibigay linaw sa isang isyung napapanahon. Nakasalalay rito ang public knowledge
  • Malikhaing pagsulat

    Maaaring hango sa personal na karanasan ng manunulat o bunga ng malikhaing imahinasyon. Ginagamitan ng malikhaing lengguwahe upang mabigyan ng personalidad ang sulatin.
  • Akademikong pagsulat

    Dumaan sa matindinh pananaliksik ng mga datos at impormasyong maaaring magpatunay sa nilalaman ng sulat. Mga uri ng sulatin na may kinalaman sa isang partikular na propesyon at larangan.