Abstrak

Cards (7)

  • Abstrak
    Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
  • Philip Koopman (1997)

    Baggamat maikli lamang ang abstrak, nilalaman nito ang kalahatan ng papel.
    • Introduksyon
    • Kaugnay na Literature
    • Metodolohiya
    • Resulta at Konklusyon
  • Katangian ng abstrak
    • Ito ay binubuo ng 200 - 250 na salita. 
    • Ito ay gumagamit ng simpleng salita. 
    • Walang dagdag na impormasyon. 
    • Nauunawan ng target na mambabasa. 
  • Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak 
    • Hindi maaring maglagay ng kaisipan o datos na hindi nabanggit sa ginawang aral o sulatin.
    • Iwasan ang paglagay ng mga statistical figures o tables na maaring magpahaba sa sulatin.
    • Gumamit ng simple at direktang pangungusap. 
    • Maging obhetibo (objective) sa pagsulat. 
    • Gawing maikli ngunit komprehensibo. 
  • Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak
    1. Basahing mabuti ang sulatin na gagawan ng abstrak.
    2. Hanapin at isulat ang mahahalagang kaisipan o ideya ng mga elemento nito.
    3. Isulat ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga kaisipang tutugon sa bahagi ng abstrak.
    4. Iwasan maglagay ng alinmang grapkiong representasyon maliban na lamang kung kinakailangan.
    5. Basahin muli ang ginawang abstrak. Upang matiyak na walang makakaligtaan na kaisipan. 
    6. Isulat ang pinal na sipi nito. 
  • Saan nakikita ang abstrak?
    Ito ay makikita sa unahan ng pananaliksik (tesis/disertasyon) pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
  • Halimbawa ng papel na ginagamitan ng abstrak
    Tesis, siyentipikong papel, teknikal lektyur, report