Pinakasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin. Bagamat maikli ang buod o paglalagom mahalagang maunawaan ang kabuoang kaisipan ng sulatin.
Mga kasanayan na nahuhubog sa pagsulat ng buod
Natitimbang ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob sa binabasa.
Nasusuri ang nilalaman ng akdang binabasa.
Nahuhubog ang kasanayan sa pagsulat partikular sa paghahabi ng mga pangungusap.
Napapaunlad ang bokabularyo.
Sintesis
Mula sa salitang griyego na “synthesis” na nangagahulugang PAGPAKASUMPONG o PAGSASAMA SAMA
Background Synthesis
Ito ay nangangailangan pagsamasamahin ang mga sanligang impormasyon, ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.
Synthesis for Literature
Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbaglik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literature ukol sa paksa. Maaaring nakapokus sa awtor, genre, o source.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng sintesis
Tamang impormasyon mula sa pinaghanguan/sanggunian.
Organisasiyon ng teksto.
Napagtitibay ang nilalaman at napapalalim ang pag-unawa ng nagbabasa.
Gumamit ng ikatlong panauhan
Hakbang sa pagsulat ng sintesis
Linawin ang layunin.
Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito.