Pagsulat ng talumpati

Cards (15)

  • Talumpati
    Isang sining na nagpapahayag ng isang kaisipan hinggil sa isang paksa.
  • Paano isinasagawa ang talumpati?
    Sinasagawa ito sa paraang pasalita sa harap ng mga tagapakinig.
  • Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa madla.
  • Mga uri ng talumpati (6)
    Panlibang, panghikayat, pagpaparangal, pagbibigay-galang, pampasigla, pangkabatiran
  • Talumpating panlibang

    Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal. Nagpapatawa ang nagtatalumpati kaya naman kailangang samahan ito ng mga birong nakakatawa.
  • Talumpating panghihikayat
    Ito ay para manghikayat o mangkumbinsi. Ilan sa halimbawa nito ay tulad ng sa simbahan sa kongreso sa kampanya ng mga pulitiko gayundin ang talumpati ng mga abogado sa panahon ng paglitis sa hukuman.
  • Talumpating pagpaparangal
    Hinahanda ito upang bigyang parangal ang isang tao o di kaya ay magbigay puri sa mga kabutihang nagawa nito.
  • Talumpating pagbibigay-galang
    Matatawag din itong talumpati ng pagbati pagtugon o pagtanggap.
  • Talumpating pampasigla
    Karaniwang binibigkas ito sa araw ng pagtatapos sa mga eskwelahan at pagdiriwang ng mga anibersaryo ng simbahan. Nagbibigay ng inspirasyon
  • Talumpating pangkabatiran
    Ginagamit ito sa mga kumbensyon, panayam, at pagtitipong pangsiyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa.
  • Klasipikasyon ng talumpati
    Biglaan/Impromptu, Daglian o Maluwag/Extemporaneous, Manuskrito, Handa o isinaulo/Memorized
  • Biglaan (Impromptu)

    Ito ay binibigkas na walang ganap na paghahanda. Nalalaman lang ang paksang tatalakayin sa oras ng pagtatalumpati
  • Daglian o Maluwag (Extemporaneous)

    Binibigkas ito na may maikling panahong paghahanda. Ang mananalumpati ay nakapaghanda lamang ng balangkas upang maging patnubay sa kanyang pagtatalumpati.
  • Manuskrito
    Kinakailangan ng matagal na panahon ng paghahanda at pag-aaral sa ganitong paraan. Ito ay ginagamit sa mga kumbensyon seminar at programang pagsasaliksik.
  • Handa o Isinaulo (Memorized)

    Ang talumpating binibigkas ay may mahabang panahon ng pagsusulat, organisasyon, at deliberasyon.