NAG PAPAHIWATIG - Ito ang pahayag na hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensya subalit sa paggamit ng pahayag / salitang ito ay masasalamin ang katotohanan.
2. NAGPAPAKITA - Ito ang pahayag na nagbibigay suporta sa isang bagay o ideya pinatutunayan o pinatotohanan.
3. MAY DOKYUMENTARYONG EBIDENSYA - Ito ang payag na tumutukoy o nag papakita ng patunay na maaring nakasulat o may ebidensyang larawan o video.
4. NAG PAPATUNAYAN / KATUNAYAN - Pahayag na ginagamit kapag nais may sabi o magbigay ng panaalig o paniniwala .
5. TAGLAY ANG MATIBAY NA KONKLUSYON - Pahayag na ginagamit kung nais palakasin ang ipinapakitang ebidensya.
6. KAPANIPANIWALA - Pahayag na ginagamit kung nais sabihin na ang ebidensyang ipinakikita ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.
7. PINATUTUNAYAN NG MGA DETALYE - Pahayag na ginagamit upang magpaliwanag o ipakita ang detalyeng mag papatunay o magpatoto sa mga ideya o pahayag.