- Tumutukoy sa pangkalahatang kagubatan, mineral, lupang taniman, at bahaging katubigan ng mga bansa sa Asya na pakikinibangan uang mabuhay at umunlad.
Ano ang porsyento ng lupa sa India na maaaring bungkalin at pag-anihan ng iba't ibang hamang pagkain ng tao?
Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaring bungkalin at pagtaniman. Ang pinakamahalagang pananim dito ay palay.
Ang kanilang ibang mga pananim ay trigo, mais, at oats.
Sa rehiyong ito, inaalagaan ang mga hayop tulad ng kalabaw, kamelyo, kabayo, buriko, at yak. Ang mga hayop na ito ay nakatutulong sa mga Asyano sa paghahanapbuhay.
Ang mga dagat dito ay mayaman sa mga isda gaya ng flounder, cod, tuna, cuttlefish, sea crab, at hipon. Samantala, ang mga ilog dito ay hitik sa carp, strungeon, at hito.
KANLURANG ASYA
Ang rehiyong ito ay kilala sa mayaman at malawak na deposito ng petrolyo at natural gas.
Ang kalupaan sa paligid ng Persian Gulf ay pinagmumulan ng malaking produksiyon ng petrolyo na ginagamit ng iba't ibang bansa sa daigdig.
Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo ang Saudi Arabia. Ang natural gas ng Iran ang pangalawang pinakamalaking reserba sa buong mundo.
Ilan naman sa mga pananim sa Kanlurang Asya ay kamatis, sibuyas, trigo, ubas, mais, hazelnut, at ang tanyag na dates at dalandan ng bansang Iraq. Kabilang din sa mga pananim sa rehiyong ito ang tabako at tsaa.
TIMOG-SILANGANG ASYA
Matatagpuan sa mga kagubatang ito ang maraming puno tulad ng goma, akasya, niyog, at maraming bungang-kahoy.
Sa kagubatan ng Pilipinas makikita ang pinakamaraming uri ng palm at matigas na kahoy tulad ng apitong, yakal, narra, kamagong, at ipil. Kabilang sa mga pananim sa rehiyong ito ang bulak, trigo, mani, niyog, kape, at abaka.
TIMOG-SILANGANG ASYA
Kabilang dito ang tamaraw, tarsier, pilandok, mga unggoy, at ibang uri ng reptilya tulad ng sawa.
Malaki naman ang deposito ng natural gas sa Indonesia. Ang mahigit sa 80% ng langis mula sa Timog-silangang Asya ay nanggagaling sa bansang ito.
Pangunahing mineral din ng bansang Malaysia ang langis.
Sa Pilipinas, ang pangunahing mineral ay ang tanso.
GITNANG ASYA
Kabilang sa mga pananim dito ay palay, trigo, bulak, gulay, at mansanas.
Ang Uzbekistan ay nangunguna sa pagluluwas ng cotton seed sa buong daigdig.
Ang mga hayop tulad ng baka at tupa ay inaalagaan at pinararami.
IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Agrikultura
Ang pagkain ng mga Asyano ay karaniwang nagmumula sa pagsasaka.
Ayon sa report ng World Bank (W'DI, 2014). 100% ng lupa sa Asya ay lupang agrikultural samantalang 30% naman ang kagubatan.
IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Ekonomiya
Sa kasalukuyan, Ilan sa mga bansa sa Asya ng pinakamalalaking producer ng mga produktong agrikultural, pang isdaan, pagmimina, at Industriyal.
Ang pang-ekonomiyang kaganapan sa Asya ay mailalarawan ayon sa maunlad ng bansa tulad ng China, Japan, at South Korea na gumagawa ng tapos ng produkto kaya higit pa silang umuunlad.
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Ekonomiya
Samantala, ang mga bansang papaunlad pa lamang ang pinagkukunan ng hilaw na materyales. Dahil dito maliit lamang ang pakinabang sa ekonomiya ng mga bansa tulad ng India, Indonesia, Pilipinas at Vietnam
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Panananahanan
Sa patuloy na pagdami ng tao ay dumarami rin ang nangangailangan ng ikabubuhay at pananahanan.
Habang ang populasyon ay lumalaki nananatili naman ang sukat ng lupa.
Ang implikasyon nito ay ang isinasagawang 'land conversion.'
Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa at ng kapaligiran.
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Kultura
Sa mahabang panahon ay umaasa sa likasnayamang dulot nito ang mga mamamayan dito para sa kanilang pagkain. Pero dahil namatay na ang mga isda at yamang tubig dahil sa polusyon, natutong maghanap ng ibang pagkakakitaan ang mga naninirahan dito.
Ang dating komunidad na umaasa sa yamang dagat para sa pagkain at kabuhayan ay naging komunidad na nakasentro sa turismo.
-Perpektong halimbawa ang pulo ng Boracay.
Pangangalaga sa Ecological Balance ng Asya
Dahil sa mahigit na kalahati ng populasyon ng mundo ay nasa kontinente at dahil sa mabilis na paglago ng ekonomiya, maraming suliraning pangkapaligiran ang nararanasan ngayon sa Asya.
Kabilang sa mga suliraning ito ang polusyon ng hangin, kakulangan at pagkalason ng tubig, pagguho ng lupa, at pagkaubos ng likas na yaman.
Pangangalaga sa Ecological Balance ng Asya
Ang Asya ang pangunahing tagapaglikha ng Greenhouse Gas.
Kung tuluyang masisira ang ozone layer, mas lalong lulubha pa ang epekto ng climate change. Patuloy na makararanas ang iba't ibang bahagi ng mundo ng mas malalakas na bagyo at mas matitinding tagtuyot.