Ang Produksyon

Cards (21)

  • input o salik ng produksyon
    • ginagamit sa paggawa ng produkto
    • mga hilaw na materyales na tuwirang kinukuha mula sa mga likas na yaman
  • Uri ng Input
    • Tangible
    • Intangible
  • Tangible
    mga nahahawakang bagay tulad ng lupa at kapital
  • Intangible
    mga hindi nahahawakang salik tulad ng kakayahan ng tao, kaalaman, ideya, o mga estratehiya sa entrepreneurship
  • output
    • ang tawag sa mga produkto o serbisyong nabuo sa pagsasama-sama ng mga input
    • lahat ng bagay na dumaan sa isang pagpapalit-anyo o proseso ay tinatawag na produkto
    • kadalasang tinatawag na produkto
  • commodity
    ang produkto o output ay ipinigbibili na sa pamilihan
  • Mga Uri ng Produkto ayon sa Paggamit 
    • final o end-product
    • products with derived use
  • Final o end-product
    • tumutukoy sa mga produktong direktang ginagamit o kinokonsumo ng mga mamimili
    • nagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga consumer
    • Halimbawa nito ay ang pagkain sa karinderya na agarang kinakain o kaya naman ang mga shampoo, sabon, at conditioner na ginagamit sa paglilinis ng katawan.
  • products with derived use
    • mga produktong ginagamit sa paggawa ng panibagong produkto
    • tinatawag din ang mga ito bilang capital goods
    • tipikal na ginagamit ng mga industriya upang mapabilis ang kanilang produksyon ng iba pang produkto
    • Halimbawa nito ay mga makina na ginagamit sa paggawa ng damit na ibebenta.
  • Mga Uri ng Produkto ayon sa Anyo
    1.  goods
    2. services
  • goods
    • mga produktong nahahawakan o tangible
    • lahat ng produkto sa pamilihan na kayang hawakan ay maituturing na goods
    • ito ay maaaring lapis, ballpen, papel, bag, sapatos, at libro
  • services
    • mga produktong hindi nahahawakan o intangible
    • natatamasang ito sa paghahap ng iba’t ibang pampubliko at pribadong transaksyon na nangangailangan ng propesyonal o teknikal na tulong
    • Halimbawa nito ay ang pagtuturo ng guro o pagpunta sa dentista upang magpakonsulta.
  • Produksiyon
    • tumutukoy sa proseso ng pagpapalit-anyo o transformation ng mga input upang makalikha ng mga goods at services o outputs.
    • ang proseso ng pagsasama-sama ng iba’t-ibang input upang makabuo ng isang produktong pangkonsumo
    • ito ay ang paggaw ng output, isang good o service na may halaga at makadaragdag sa utility ng mga indibidwal sa isang lipunan
    • kasama ng pagkonsumo, ang bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya
  • salik sa produksiyon
    • karaniwang nakukuha sa mga pinagkukunan-yaman
    • maaaring ang mga ito ay mula sa yamang likas, yamang kapital, at yamang tao
    • masasabi natin na napakahalaga ng mga pinagkukunan-yaman sa usapin ng ekonomiya
  • pagkonsumo
    nagaganap sa sambahayan (household), at ang proseso ng produksiyon naman ay nagaganap sa bahay-kalakal (firms)
  • proseso ng produksiyon sa bahay-kalakal
    pinamumunuan ng entrepreneur gamit ang kanyang mga kaalaman at kakayahan sa pagdedesisyon
  • entrepreneur
    mga negosyante
  • Apat na Salik ng Produksyon
    1. Lupa
    2. Kapital
    3. Paggawa
    4. Entrepreneurship
  • Pagtuklas sa Pattern ng Produksiyon
    mahalaga para sa makroekonomiks at mikroekonomiks
  • lebel ng produksiyon
    • isang indikasyon ng kung gaano kasigla ang ekonomiya rito
    • kapag tumataas ang lebel ng produksiyon sa isang bansa, makakasa rin ang pamahalaan nang patuloy na paglagong ekonomiya
    • Bilang epekto, magkakaroon ng kakayahan ang pamahalaan na makapagplano para sa hinaharap na ikaunlad ng mga mamamayan nito
  • Pag-aaral ng Produksiyon sa mikroekonomiks
    • nakapokus sa pag-aaral ng kung paano nagdedesisyon ang mga bahay-kalakal upang sila ay makagawa ng mga produkto sa pinakamurang halaga
    • pinag-aaralan dito kung ano at gaano karaming input ang kailangan upang makabuo ng isang tukoy (defined) at tiyak (specific) na produkto