Ayon kay Henry Allan Gleason Jr., ang wika ay masistemang balangkas na tunog, na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitaryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura
Ano ang panitikan?
Nangangahulugang literatura na galing sa salitang latin na "littera" na nangangahulugang titik
Ano ang dalawang uri ng panitikan?
-Patula o panulaan (Ingles - poetry)
-Tuluyan o prosa (Ingles - prose)
Ano ang patula o panulaan?
Ang nabuong pangungusap ay sa pamamagitan ng salitang binibilang ang pantig sa taludtud na pinagtugma-tugma. May porma o istruktura\
Ano ang tuluyan o prosa?
Maluwag na pagsasama ng mga salita sa loob ng pangungusap , karaniwang nasususlat ito ng tuluyang daloy ng pagpapahayag.
Ano ang katutubo?
Ang katutubo ay tumutukoy sa mga pangkat etniko o pambansang minorya na ang kanilang mga ninuno ay orihinal na nanirahan sa ibang lugar bago pa dumating dito
Ano ang katangian ng mga negrito?
maikling taas, kaymangging balat, at kakaibang mga katangian sa wika at kultura
Ano ang katangian ng Ifugao?
Sila ay pangkat etniko na nanggaling sa Cordillera ng Luzon at kilala sila sa "rice terraces o hagdang-hagdang palayan
Ano ang katangian ng mga Maranao?
Isang pangkat etnikong grupo sa Pilipinas na naninirahan sa Lanao del Norte at Lanao Del Sur sa Mindanao
Ano ang katangian ng mga Sulodnon?
Matatagpuan sa Antique at Iloilo at dito din ginawa ang pinakamahabang epiko sa buong Pilipinas ang "Hinilawod"
Ano ang Pasalindila?
Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao.
Ano ang pasalinsulat?
isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahong mga Pilipino ang kanilangpanitikan.
Bakit pinasunog ng mga Kastila ang mga gawa ng mga Katutubo?
Dahil galing daw ito sa diyablo
Ayon kay Henry Otley Beyer, sino ang unang nanirahan sa pilipinas?
Ang mga Ita o Negrito
Saan nanggaling mga indones o indonesyo?
nagmula sa Timog-Silangang-Asya
Ano ang pangkat etnikong ang nagdala ng pananampalatayang pagano?
Malay o Malayo
Ano ang katutubong sayaw ng mga Sulodnon?
Binanog
Ano ang bugtong?
ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan
Ano ang sawikain?
grupo ng mga salita na naglalarawan sa isang bagay, sitwasyon o pangayayari sa paraang di-tuwiran
Ano ang salawikain?
pangungusap na nagpapahayag ng aral at batayan ng wastong pag-uugali
Ano ang kasabihan?
nagpapahayg ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o totoo
Haba ng epiko?
mula 1000 hanggang 55000 na linya at aabutin ng ilang oras o araw
Layunin ng epiko?
Magpanatili sa kultura, kasaysayan at pag-turo ng magandang asal
Saan nanggaling ang epikong "Hinilawod"?
galing sa pangkat etnikong Sugidanon na makikita sa bulubunduking ng Panay
Sino ang pangunahing tauhan sa epikong Hinilawod?
si Labaw Donggon at Humadapnon
Kailan naithala ang epikong Hinilawod?
1956 mula kay Uland Uding, isang sulod sa Iloilo
May ilang taludtod ang epikong Labaw Donggon?
mayroong 3822 na taludtod na inawit ni Ulang Uding
May ilang taludtod ang epikong Hinilawod?
Sa kasalukuyang ang epikong Hinilawod ay ang pinaka-mahabang epiko sa buong mundo na mayroong 28000 na taludtod
Ano ang kahulugan ng Hinilawod?
Hini - tunog at Lawod - dagat kaya't ang Hinilawod ay "tunog ng dagat"
Ano ang komiks?
ang komiks ay isang serye ng aklat na kwentong nakaguhit
Ano ang komiks?
ang komiks ay isang serye ng aklat na kwentong nakaguhit
Kailan nagsimula ang pinaka popular na komiks sa Pilipinas?
1920
Ano ang kilalang komiks sa Pilipinas?
Ang komiks na si Kenkoy na naithala ni Tony Velasquez
Sino si Tony Velasquez?
Ang tagasulat ng komiks na "Si Kenkoy" at kilala rin siya bilang ''Ama ng Komiks sa Pilipinas''