FILIPINO - Sanaysay

Cards (18)

  • Ano ang sanaysay?

    Isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan.
  • Ano ang kahulugan ng salitang "sanaysay" batay sa mga bahagi nito?
    Ang "sanaysay" ay maaaring ituring na "salaysay" ng isang "sanay" o eksperto sa isang paksa.
  • Ano ang karaniwang paksa ng mga sanaysay?
    Mga kaisipan at bagay-bagay na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw.
  • Ano ang tatlong mahahalagang bahagi ng sanaysay?
    1. Panimula
    2. Gitna o Katawan
    3. Wakas
  • Ano ang layunin ng Panimula sa sanaysay?
    Inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at ang kahalagahan ng paksang tinatalakay.
  • Ano ang nilalaman ng Gitna o Katawan ng sanaysay?
    Inilalahad ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng paksa upang suportahan ang pangunahing kaisipan.
  • Ano ang layunin ng Wakas sa sanaysay?
    Nakapaloob dito ang kabuuan ng sanaysay at ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa.
  • Ano ang tema sa sanaysay?
    Ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.
  • Paano nakaaapekto ang anyo at estruktura ng sanaysay sa pagkaunawa ng mga mambabasa?
    Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay nakatutulong sa pag-unawa ng sanaysay.
  • Ano ang halimbawa ng Panimula sa isang sanaysay?
    "Sadyang isang hamon ang buhay ngayon. Kailangang harapin ito nang buong tatag."
  • Ano ang nilalaman ng katawan ng sanaysay batay sa halimbawa?
    Inilalarawan ang mga pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay at ang kanilang kalagayan.
  • Ano ang mensahe ng Wakas sa sanaysay?
    "Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin."
  • Ano ang kaisipan sa sanaysay?
    Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
  • Paano nakaaapekto ang wika at estilo sa pag-unawa ng mambabasa?
    Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto sa pag-unawa ng mambabasa.
  • Ano ang halimbawa ng paggamit ng simpleng wika sa sanaysay?
    "Sadyang mahirap ang buhay ngayon."
  • Ano ang larawan ng buhay sa sanaysay?
    Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay na gumagamit ng sariling himig ng may-akda.
  • Ano ang damdamin sa sanaysay?
    Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan.
  • Ano ang himig sa sanaysay?
    Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin, maaaring masaya, malungkot, mapanudyo, at iba pa.