Katuturan ng wika

Cards (28)

  • Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. - Archibald Hill
  • Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. - Henry Gleason
  • Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mg pasulat at pasalitang simbolo. - Webster
  • Ang wika ay tunog – nagsisimula ang isang wika sa mga tunog na nagsisilbing berbal na mga simbolong nabubuo at nirerepresenta ng mga letra.
  • Ang wika ay arbitraryo – pinagkakasunduan ng isang grupo ng taong gumagamit ng wika gayundin, ang bawat wika ay may kakaibang katangiang nabubukod sa iba pang wika.
  • Ang wika ay masistema – ang anumang wika ay may sinusunod na organisasyon at may taglay na istruktura (ponolohiya,morpolohiya, sintaks,semantika at pragmatiks).
  • Ponema – tumutukoy sa makabuluhang tunog ng isang wika.
  • Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog sa isang wika. Morpema – tumutukoy sa pinakamaliit na yunit ng isang salita. Morpolohiya – makaagham na pag-aaral sa mga morpema ng isang wika. Sintaks – tumutukoy sa masistemang palabuuan ng mga sugnay , parirala at pangungusap. Semantiks – pag-aaral sa kahulugan ng isang wika. Pragmatiks – pag- aaral kung paano iniimpluwensiyahan ng konteksto ang paraan ng paghahatid ng impormasyon ng mga sentens.Samakatwid, ito ay pag-aaral ng aktwal na pagsasalita.
  • Ang wika ay sinasalita -nabubuo ang wika sa tulong ng mga aparato at ibat ibang sangkap sa pagsasalita tulad ng labi,dila, ngipin, ilong ,lalamunan at iba pa.
  • Ang wika ay nakabuhol sa kultura -pinatutunayan lamang na walang superyor na wika sapagkat ang bawat wika ay may sariling kakanyahang kultural. Ibig sabiin, hinuhubog ng wika ang kultura at hinuhubog naman ng kultura ang wika(Sapir at Whorf,w.p.)
  • Ang wika ay daynamiko – nagbabago ang wika batay sa nagbabagong panahon.Nagkakaroon ng mga bagong salita at nakapaglilinang din ng bagong at nakapaglilinang din ng bagong pagpapakahulugan batay sa sumusulong na panahon . Halimbawa ; ang toxic noon ay lason,ngayon ay labis na pagkapagod.
  • Ang wika ay malikhain – paggamit ng wika sa sariling kaparaanan at batay sa sumusulong na mga pangkat ng taong may itinatampok na identidad. Binigyang diin nito ang pagiging distinct na anyo ng ekspresyon o paggamit ng wika sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin o naiisip.
  • Ang wika ay makapangyarihan – ginagamit ang wika sa pagtatamo ng impluwensiya para makapagpabago ng pananaw ,makaimpluwensiya ng kaisipan ,makabuo ng mga bagong ideya,makapaapekto sa pagsusulong ng mga pamamaraan at polisiya at higit ay makapagpakilos.
  • Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aral sa ibat ibang paniniwala ng mga bagay bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan.
  • Tore ng Babel Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kayat walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit at nagtayo ng pagkataas- taas na tore.Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan , ginuho niya ang tore.Ginawang magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi namagkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
  • Teoryang Bow-wow Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.
  • Teoryang Ding-dong Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.
  • Teoryang Pooh-pooh Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.
  • Teoryang Sing-song  Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
  • Teoryang Biblikal  Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita,
  • Teoryang Yoo He Yo Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal.
  • Teoryang Ta-ta   Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.
  • Teoryang Mama  Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother
  • Teoryang Hey you!   Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
  • Teoryang Coo coo Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.
  • Teoryang Babble Lucky Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid
  • Teoryang Hocus Pocus   Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
  • Teoryang Eureka! Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.