L3

Cards (15)

  • Ano ang sinabi ni Chomsky tungkol sa pagkamalikhain ng wika?
    Ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at walang ibang nilalang tulad ng hayop.
  • Paano ginagamit ng tao ang wika?
    Ang tao ay gumagamit ng wika upang makapagpahayag ng kanyang karanasan, kaisipan, damdamin, hangarin, at iba pang pangangailangan.
  • Ano ang tawag sa unang wika ng isang tao?
    Unang wika (L1)
  • Ano ang ibig sabihin ng unang wika (L1)?
    Ito ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
  • Ano ang tawag sa ikalawang wika ng isang tao?
    Ikalawang wika (L2)
  • Paano nagkakaroon ng pagkakataon ang isang tao na makipag-usap sa ibang wika?

    Sa pagkikipagsalamuha ng isang tao, siya ay nagkakaroon ng pagkakataon na makipag-usap sa taong nagsasalita ng ibang wika.
  • Ano ang monolinggwalismo?

    Ang monolinggwalismo ay ang pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang bansa.
  • Ano ang layunin ng monolinggwalismo sa edukasyon?
    Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan at asignatura.
  • Ano ang ibig sabihin ng bilinggwalismo ayon kay Bloomfield?
    Ang bilinggwalismo ay ang paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika.
  • Ano ang kakayahan ng bilinggwalismo ayon kay Macnamara?
    Ang bilinggwalismo ay kakayahan ng tao sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwika na magsalita at gamitin ang isa pang wika maliban sa unang wika.
  • Ano ang mga katangian ng bilinggwalismo bilang wikang panturo?
    • Nagtatakda na ang Ingles ang gagamitin bilang paraan ng pagtuturo sa mga asignatura ng Agham at Matematika.
    • Filipino ang ginagamit sa lahat ng iba pang asignatura sa mababa at mataas na paaralan.
  • Ano ang kautusang pangkagawaran blg. 25, S. 1947?

    Ito ay nagtatakda ng panuntunan ng pagpapaunlad ng Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal.
  • Ano ang multilinggwalismo?

    Ang multilinggwalismo ay ang kakayahan ng isang tao na magsalita ng higit sa dalawang wika.
  • Ano ang walong pangunahing wika na matatagpuan sa Pilipinas?
    • Bikol
    • Ilokano
    • Hiligaynon
    • Pampanggo
    • Pangasinan
    • Sebwano
    • Tagalog
    • Waray (Samar-Leyte)
  • Bakit tinatawag na pangunahing wika ang mga nabanggit na wika sa Pilipinas?
    Ang pangunahing wika ay may malaking bilang ng tagapagsalita o mahalagang tungkulin sa bansa bilang wika ng pagtuturo, opisyal, o pambansa.