Kung walang wika,maaring walang magagamit ang mga tao upang makipagkomunikasyon sa iba.
Hindi magkakaunawaan at magkakaintindihan ang mga tao.
Hindi magiging mabisa ang komunikasyon at ugnayan ng mga tao.
Maaring mauwi sa kaguluhan at away dahil walang magagamit na wika upang maipahayag ang sariling saloobin at nararamdaman.
Wika ay masistematikong balangkas na may binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
-Henry Gleason 1961
Wika ay masistematikong balangkas na may binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
-Henry Gleason 1961
“Parang hininga ang wika"
Bienvenido Lumbera
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng simbolo
-Ayon kay Webster (1974, pahina 356)
Ang wika ang pangunahin at pinaka elaboreyt na anyo ng simbolikong pantao
Archibald A. Hill
PROSESONG PINAGDARAANAN NG WIKA
ORTOGRAPIYA
PONOLOHIYA
MORPOLOHIYA
SINTAKS
SEMANTIKS
KAHALAGAHAN NG WIKA
Instrumento ng Komunikasyon
Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
Nagbubuklod ng Bansa
Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
ANTAS NG WIKA
Pambansa
Pampanitikan o Panretorika
Lalawiganin
Kolokyal
Balbal
PORMAL •Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika
PAMBANSA
Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan.
pormal
PAMPANITIKAN O PANRETORIKA
Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan
malikhaing gamit ng mga salita
pormal
DI-PORMAL • Ito ang mga salitang karaniwan, palasak,pang araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala ay kaibigan
LALAWIGANIN
Ito ang mga salitang ginagamit ng tao sa isang partikular na pook o lalawigan.
di-pormal
KOLOKYAL
Ito ang mga salitang ginagamit sa pagkakataong impormal at isinasaalang alang dito ang mga salitang madaling maintindihan
di-pormal
BALBAL
Ang mga salitang ito’y maituturing na pinakamababang antas ng wika. Hindi dalisay ang mga salitang ito at pana panahon kung sumulpot subalit nagiging popular.
di-pormal
halimbawa ng mga antas ng wika
● Ortograpiya - pagsulat
● Ponolohiya - tunog
● Morpolohiya - salita
● Sintaks - pangungusap
● Semantiks - kahulugan ng pangungusap
TUNOG
● Enerhiya - nilikhang presyon ng hiningang galing sa baga.
● Artikulador - nagpapakatal sa babagtingang pan-tinig