TUNGKULIN NG WIKA

Cards (12)

  • instrumental na tungkulin ang wika
    -layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita.
  • Instrumental
    para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita
  • Sa aktuwal na karanasan, karaniwang instrumental ang gamit ng wika para sa paglutas ng problema, pangangalap ng materyales, pagsasadula, at panghihikayat
  • regulatori na tungkulin ang wika na
    • may kakayahang makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba.
    • upang makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kaniyang kausap o sinoman sa kaniyang paligid.
    • sa mga aktuwal na karanasan ng pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo
  • Heuristiko
    • ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran
    • Sa aktuwal na karanasan, maaaring makita ang tungkulin ng wikang heuristiko sa mga gawain ng imbestigasyon, pagtatanong, at pananaliksik
  • Interaksyonal
    • Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan
    • Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapuwa sa paligid.
  • Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon at palakasin ang layuning makipagkapuwa gaya ng, “Mahal Kita,” “Kumusta?” “Nanay,” at “Mabuhay!”
  • Paano Mabisang Matatamo ang Mahusay na Interaksiyon?
    • paggamit ng mga katangiang di gumagamit ng salita, tulad ng kilos,
    • tulad ng kilos,
    • tuon ng mata, at
    • pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw ng kamay,
    • pagkiling-kiling ng ulo
    • nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon kung paiba-iba ang eskpresyon, tono, at intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa pakikipagusap
  • Personal
    • Nagsisilbing gampanin naman ng personal na tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
    • Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag ang kaniyang mga personal na preperensiya, saloobin, at pagkakakilanlan.
  • Imahinatibo
    • ipahayag ang imahinasyon at haraya, maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, lumikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig
    • Sa pagsulat ng mga malikhaing komposisyon, gumagamit ng tayutay at iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng mapang-akit na komunikasyon.
    • Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng wika
  • May Representasyonal na tungkulin ang wika.
    Ginagamit ang wika upang makapagbahagi ng mga pangyayari, makapagpahayag ng detalye, gayundin
    makapagpadala at makatanggap ng mensahe sa iba.
  • 7 Tungkulin ng Wika
    • Instrumental
    • Heuristiko
    • Imahinatibo
    • Personal
    • Representasyunal
    • Interaksyunal
    • Regulatori