00 Akademikong Pagsulat

Cards (26)

  • Akademikong Pagsulat
    •Pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral.
    •Kinapapalooban ito ng ano mang itinakdang gawaing pasulat sa isang setting na akademiko.
    •Ginagamit ito sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik o inilalahad sa mga komperensiya.
    •Mga akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo.
    •Ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.
    •Inaasahan na ang ganitong uri ng pagsulat ay tumpak, pormal, impersonal, at obhetibo.
  • Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
    Ayon kina Fulwiler at Hayakawa (2003)
    Katotohanan
    Ebidensya
    Balanse
  • Katotohanan
    Ang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.
  • Ebidensya
    Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilahad.
  • Balanse
    Sa paglalahad ng mga haka, opinyon, at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso, at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.
  • Katangian ng Akademikong Pagsulat
    Linear
    Kompleks
    Pormal
    Tumpak
    Obhetibo
    Eksplisit
    Wasto
    Responsable
  • Kompleks
    may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo
  • Pormal
    Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat.
  • Tumpak
    mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad ng walang labis at walang kulang.
  • Obhetibo
    sapagkat ang pokus nito ay impormasyon na nais ibigay at argumento na nais gawin.
  • Eksplisit
    responsibilidad ng manunulat sa mga mambabasa na gawing malinaw ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa
  • Wasto
    Ang akademikong pagsulat ay gumagamit nang tamang bokabularyo o salita. Iwasan ang mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
  • Responsable
    Sa pagsulat ng akademiko kinakailangan na maging responsable ang manunulat sa paglalahad ng ebidensiya, patunay, at maging nagpapatibay sa kanyang argumento. Bukod dito, responsibilidad din niyang kilalanin ang kanyang pinagkuhanan o pinaghanguan ng impormasyon.
  • Malinaw na layunin
    Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa.
  • Malinaw na pananaw
    Ang manunulat ay ay maaaring maglahad ng ideya  at saliksik ng iba at kinakailangan na maipakita niya ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa pinapaksa at ito ay tinatawag na punto de bista.
  • May pokus
    Sa pagbuo ng akademikong papel kinakailangan na iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.
  • Lohikal na organisasyon
    Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran.
  • Matibay na suporta
    Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag.
  • Malinaw at kumpletong eksplanasyon
    Ito ay napakahalaga sa pagbuo ng akademikong pagsulat sapagkat ito ay makatutulong sa mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa sa paksa ng papel.
  • Epektibong pananaliksik
    Kinakailangang gumamit ang akademikong pagsulat ng napapanahon, propesyonal, at akademikong hanguan ng impormasyon.
  • Iskolarling estilo ng pagsulat
    dahil sinisikap dito ang kalinawan at kaiklian.
  • Mapanghikayat na layunin
    Layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa.
  • Mapanuring layunin
    Layunin nito na ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan.
  • Impormatibong layunin
    Ipinaliliwanag nito ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa.
  • Tungkulin at gamit ng akademikong pagsulat
    1.Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan ng wika.
    2.Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
    3.Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao.
    4.Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
  • Mga anyo ng akademikong pagsulat
    Sintesis
    Buod
    Abstrak
    Talumpati
    Replektibong Sanaysay
    Posisyong Papel
    Lakbay - Sanaysay
    Pictorial Essay