05 Mga uri ng pagsulat

Cards (6)

  • Akademiko
    • isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
    • maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report,eksperimento, term paper o pamanahong papel, tesis o disertasyon.
  • Teknikal
    • Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo.
    • Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin.
    • Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na asignatura tulad ng Science o Technology.
  • Journalistic
    • Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist.
    • Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain, at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan at magasin.
  • Reperensyal
    • Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura.
    • Ito ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa.
    • Madalas, binubuod o pinaiikli rito ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan
    • Makikita rin ito sa mga pamanahong-papel, tesis at disertasyon lalo na sa bahaging "Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.
  • Propesyonal
    • Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.
    • Itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili
    • halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report ng mga imbestigador, mga legal forms, briefs, pleadings ng mga abugado at legal researchers at medical report at patient's journal ng mga doktor at nars.
  • Malikhain
    • Masining ang uring ito ng pagsulat.
    • Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukod sa pukawin ang damdamin ng mambabasa.
    • Karaniwan nang mayaman sa idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig, at iba pang creative devices ang mga akda sa uring ito.