tala ng isang indibiduwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa.
Pangangailangan sa Pagsulat ng Buod
Ayon kay Swales at Feat (1994)
1. Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.
2. Ilahad sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan.
3. Pinaiksing bersyon at gamit ang sariling pananalita ng gumawa.
Katangian ng Mahusay na Buod
Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto.
Gumagamit ng mga susing salita.
Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napananatili ang orihinal na mensahe.
Mga Hakbangin sa Pagbubuod
Salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye.
Ilista ang pangunahing ideya, detalye, at paliwanag sa bawat ideya.
Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa lohikal na paraan.
Gumamit ng siya, apelyido ng awtor o manunulat.
Isulat ang buod
Sintesis
pagsasama ng dalawa o higit pang buod.
paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.
pagsasama ng iba’t ibang akda upang makabuo ng isang akdang nakapag-uugnay.
Anyo ng sintesis
Explanatory Synthesis
Argumentative Synthesis
Mga Uri at Katangian ng Mahusay na Sintesis
Background Synthesis
Thesis-driven Synthesis
Synthesis for the literature
Background Synthesis
Uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligangimpormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.
Thesis-driven Synthesis
Ang ganitong uri ng sintesis ay hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.
Synthesis for the literature
Ang uri ng sintesis na tumutugon sa mga literaturang gagamitin sa pananaliksik na isinasagawa. Karaniwang isinasaayos ang sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari din namang ayusin ito batay sa paksa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis
Linawin ang Layunin.
Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ang mga ito.
Buuin ang tesis ng sulatin.
Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin. (Pagbubuod, Paggamit ng halimbawa/ilustrasyon, Pagdadahilan, Strawman Technique, Konsesyon, Komparison at Kontrast)