CO3 - Sitwasyong Pangwika

Cards (14)

  • May mahigit kumulang 100+ na wika ang Pilipinas. (McFarland, 2004)
  • May mahigit kumulang 170 na wika ang Pilipinas. (Nolasco, 2008)
  • Umaabot sa 183 ang wika sa Pilipinas, hindi pa kasama ang mga katutubong wika. (Summer Institute of Lingusitics)
  • Tinatayang 130 ang wikang ginagamit ng iba’t-ibang etnolingguwistikong pangkat. (Komisyon sa Wikang Filipino)
  • Sitwasyong Pangwika (Multikultural at Multilinggwal ang Pilipinas)
    1. pagkakaroon ng mga halo-halong wika (Taglish, Iloco-Filipino)
    2. pagkakaroon ng bansa ng kalituhan dahil sa napakaraming katutubong wika
    3. pagkakaroon ng pangunahin at mayoryang wika
    4. paghahango ng wikang pambansa na Filipino
    5. magkakahawig ang wikain sa Pilipinas ngunit marami ring pagkakaiba
  • 5 Mayoryang Wika:
    1. Tagalog (21.5 milyon)
    2. Cebuano (18.5 milyon)
    3. Iloco (7.7 milyon)
    4. Hiligaynon (6.9 milyon)
    5. Bicol (4.5 milyon)
  • Pinakagamit ang wikang Ingles sa mga paaaralan, trabaho, at pamahalaan
  • Sitwasyong Pangwika (Lehitimong Wika sa Pilipinas)
    1. Isulong na gawing pambansang Lingua Franca ng bansa ang Filipino sa halip na Ingles.
    2. Paglaban sa karapatan ng Wikang Filipino sa pamahalaan bilang lehitimong wika ng bansa.
  • Ang Batas Eksekyutibo Blg. 210 na ipinatupad sa termino ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay isinusulong na gawing pangunahing wikang panturo ang Ingles, at wikang pantulong nalang ang Filipino.
  • Ang Panukalang Batas sa Kongreso Blg. 4701 ay isinusulong na maging mandato ang paggamit ng Ingles bilang wikang panturo
  • Ang CHED Memorandum Blg. 20, Serye ng 2013 ay isinusulong ang pagtanggal ng Asignaturang Filipino sa mga kurso sa kolehiyo sa pagtatag ng K-12.
  • CHED Memorandum Blg. 20 - batas na lumitaw ang Tanggol Wika
  • Sitwasyong Pangwika (Mga Hamon sa Polisiyang Pangwika sa Edukasyon)
    1. pagiging kilala ng wikang Filipino sa labas ng bansa
    2. pagkakaroon ng mga kurso at asignaturang Filipino sa ibang bansa
  • Sitwasyong Pangwika (Wikang Filipino sa Social Media)
    • ang Pilipinas ang Social Media Capital of the World
    • pagiging laganap ng wikang Filipino