Lesson 4

Cards (10)

  • Ano ang inaasahang kasanayan na malilinang pagkatapos ng aralin tungkol sa dignidad ng tao?

    Naipaliliwanag ang kahulugan ng Dignidad ng tao.
  • Bakit ang kahirapan ay itinuturing na paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous groups?

    Dahil ang kahirapan ay naglilimita sa kanilang karapatan at pag-unlad.
  • Ano ang batayan ng dignidad ng tao ayon sa aralin?
    Ang dignidad ng tao ay nakabatay sa kanyang pagkabukod tangi at pagkawangis sa Diyos.
  • Ano ang dapat gawin upang maipakita ang dignidad ng isang tao sa kapwa na itinuturing na mababa ang sarili?

    Makagawa ng mga angkop na kilos upang ipakita ang kanyang dignidad.
  • Ano ang kahulugan ng salitang "dignidad" ayon sa Latin?

    Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na "dignitas," mula sa "dignus," na ibig sabihin ay "karapat-dapat."
  • Sino ang may dignidad ayon sa aralin?
    Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan.
  • Ano ang epekto ng dignidad sa karapatan ng tao?
    Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makakasakit o makasasama sa ibang tao.
  • Ano ang mensahe ng gintong aral o Golden Rule?

    Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.
  • Ano ang dapat ipakita sa kapwa ayon sa dignidad ng tao?
    Paggalang at pagmamahal sa karapatan ng bawat indibidwal.
  • Ano ang utos ng Diyos sa tao ayon sa aralin?
    Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.