Lesson 3

Cards (9)

  • Ano ang ibig sabihin ng Climate Change?

    Ito ay ang kapansin-pansin na pagbabago sa kondisyon ng kapaligiran.
  • Ano ang mga aspeto na naaapektuhan ng Climate Change?

    Nakakaapekto ito sa pattern ng pag-ulan, bagyo, tagtuyot, panahon, presipitasyon, at lebel ng tubig sa dagat.
  • Ano ang mga personal na epekto ng Climate Change at Global Warming?
    1. Mabilis na pag-init ng temperatura.
    2. Malalakas na kalamidad tulad ng bagyo.
    3. Matinding tagtuyot.
    4. Pagkaubos ng mga nilalang/species.
    5. Kawalan ng suplay ng makakain.
    6. Panganib sa kalusugan.
    7. Kawalan ng hanapbuhay.
  • Ano ang mga hakbang na maaaring gawin upang tugunan ang suliranin sa Climate Change?
    1. Pangangalaga sa Kalikasan
    • Pagpapalawak ng mga kagubatan
    • Pagtatanim ng mga puno
    • Pangangalaga sa mga coral reefs
    1. Pagsulong ng Renewable Energy
    • Bawasan ang paggamit ng fossil fuels
    • Palawakin ang paggamit ng solar, hangin, at tubig
    1. Pagbabago sa Estilo ng Pamumuhay
    • Paggamit ng eco-friendly na produkto
    • Pagtitipid ng enerhiya
    • Paggamit ng masasakyan na hindi naglalabas ng carbon emissions
    1. Edukasyon at Kamalayan
    • Palawakin ang kamalayan ng mga tao
    • Magsagawa ng mga programa sa edukasyon at kampanya
  • Bakit mahalaga ang pangangalaga sa kalikasan sa konteksto ng Climate Change?

    Ang mga ito ay nagbibigay ng natural na proteksyon laban sa pag-init ng mundo at iba pang mga epekto ng climate change.
  • Ano ang dapat gawin upang mabawasan ang paggamit ng fossil fuels?

    Dapat nating palawakin ang paggamit ng mga mapagkukunan ng enerhiya tulad ng solar, hangin, at tubig.
  • Ano ang mga maliit na hakbang na maaaring simulan sa pang-araw-araw na pamumuhay upang makatulong laban sa climate change?

    Maaaring kasama ang paggamit ng mga eco-friendly na produkto, pagtitipid ng enerhiya, at paggamit ng masasakyan na hindi naglalabas ng carbon emissions.
  • Bakit mahalaga ang edukasyon at kamalayan sa climate change?
    Mahalagang palawakin ang kamalayan ng mga tao sa climate change at ang kanilang mga epekto.
  • Ano ang mga hakbang na ginagawa ng mga bansa tungkol sa Climate Change?
    1. Naglaan ng protected areas
    2. Nagpapatupad ng mga batas upang mapangalagaan ang mga hayop at halaman
    3. Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora
    4. United Nations Conference on Environment and Development
    5. World Wildlife Fund at Greenpeace