Wikang Pambansa kung paano ito nagsimula bilang Tagalog kung saan umalma ang mga Bisaya, naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.
Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Pilipinas.
ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa.
Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa.”
i Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa at dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, kaya hinirang natin siyang “Ama ng Wikang Pambansa.”
1940 din ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Ito din ang pinagsimulan ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa natin
Noong 1959 naman nagpalabas si Kagawaran ng EdukasyonKalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa.
1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”
Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Ang wika nating ay yuniko o unique, ngunit ito rin ay dynamiko o dynamic sapagkat ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Masasabi ko na umuunlad ang ating wikang Filipino ngayon lalo na dahil sa bagong kurikulum na K-12 Programs sapagkat kahit na wikang Ingles ang madalas ginagamit ng mga guro , mayroon pa ring subject na Filipino at nadagdagan pa ito ng Mother-Tongue Based
1937
Tagalog
1959 PILIPINO
1987
FILIPINO
agani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Pilipinas.”
1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
Saligang Batas ng 1935
“… ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika…”
Batas Komonwelt Blg.184 (1936)
Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa.
Batas Komonwelt Blg.333 ( Enero 12, 1936)
Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wika
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ( 1937)
Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ( 1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryoat ng gramarng wiakng pambansa , at itinatagubilin din ang pagtuturong wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan man o pribado
Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal
Batas Komonwelt Blg. 570 ( Hunyo 7, 1940)
Ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
Proklamasyon Blg. 12 ( Marso 26, 1954)
Ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula ika-29 Ng Marso hanggang ika -4 ng Abril bilang pagbibigay –kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas
Proklamasyon Blg. 186 ( Setyembre 23, 1955)
Inilipat ang petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ng Pangulong Manuel L. Quezon
Direktor ng Paaralang Bayan, Sirkular Blg.21 (Pebrero 1956)
Ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7. ( Agosto13, 1959)
Ang wikang pambansa ay tatawaging “Pilipino”
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s.1962
Nag-utos na simula sa taong aralan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag na sa Pilipino
Kautusang Tagapagpaganap Blg.60, s.1963
Nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino
Kautusang Tagapagpaganap Blg.96(Oktubre 24, 1967)
Pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan
Kautusang Tagapagpaganap Blg.96(Oktubre 24, 1967)
Pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1969)
Nag-uutos sa lahat ng kagawaran ,kawanihan ,tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon
Memorandum Sirkular Blg. 384 ( Agosto 17, 1970)
Nagtatalaga ng mga tauhang may kakayahan upang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento,kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyon g pag-aari o kontrolado ng pamahalaan
Kautusang Blg. 304 ( Marso 16, 1971)
Nagpapanatili ng pagsasarili ng Surian ng Wikang Pambansa
Memorandum Sirkular Blg. 488 ( Hulyo 29, 1972)
Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika
Kautusang Panlahat Blg. 17 (Disyembre 1, 1972)
Nag-uutos na limbagin ang Saligang Batas sa wikang Pilipino at Ingles bago idaos ang plebesitosa ratipikasyonnito noong Enero 15,1973.
Atas ng Pangulo Bldg. 73 (Disyembre 1972)
Nag-aatas sa surian ng Wikang Pambasa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng mga limampung libong mamamayan alinsunod sa probinsyo ng Saligang Batas.
Kautusang Pangkagawaran Blg.25, s. 1974 (Hunyo 19,1974)
Pagpapatupad ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974-1975.
Memorandum Pangkagawaran Blg.194, s. 1976 (1976)
Itinagubulin sa mga guro ang mga bagong tuntunin sa ortograpiyang Pilipino.
Kautusang Pangmimistri Blg.222 (Hunyo 21,1978)
Nag uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas. Magsisimula sa unang semester ng taong-aralan 1979-1980 ang lahat sa pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim na yunit sa ilipinok sa kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong, maliban sa mga kursong pagtuturo na mananatili sa 12 yunit.