QUARTER-1

Cards (34)

  • Ano ang isip?
    ang kapangyarihan ng tao na makaalam at mangatwiran; kapangyarihang humusga, sumuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay
  • Ano ang kilos loob?
    ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya, at isakatuparan ang napili; kumilos at gumawa ng kabutihan ang pangunahing gamit at tunguhin nito
  • Ano ang gamit at tunguhin ng isip?
    umunawa at katotohanan
  • Ano ang gamit at tunguhin ng kilos loob?
    kumilos / gumawa at kabutihan
  • PANLABAS NA PANDAMDAM?
    kinabibilangan ng paningin, pandinig, pandama, pang-amoy at panlasa
  • PANLOOB NA PANDAMDAM?
    binubuo ng kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct
  • Bakit mahalaga ang isip at kilos-loob?
    upang makagawa ng maingat na paghuhusga.
  • Katangian ng isip?
    Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
  • Saan nagmumula ang pagkakapantay-pantay ng tao?
    Ito ay mula sa kaniyang DIGNIDAD bilang tao at ang mga karapatan na dumadaloy mula rito.
  • Saan nagmula ang salitang dignidad?
    nagmula sa salitang Latin na 'dignitas' na nangangahulugang halaga o kahalagahan.
  • Ano ang UDHR?
    Universal Declaration of Human Rights
  • Ayon sa artikulo 1 ng UDHR?
    ipinapahayag na ang DIGNIDAD ay HINDI nakabatay sa estado, uri, o iba pang pribilehiyo ng isang tao.
  • Saan nagmula ang salitang values?
    ito ay nagmula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan
  • Ayon kay Max Scheler (Dy M., 1994), ang pagpapahalaga ay?
    obheto ng ating intensyonal na damdamin.
  • Ang pagpapahalaga ay?
    hindi iniisip; ito ay dinaramdam. Hindi ito obheto ng isip kundi obheto ng puso.
  • Katangian ng pagpapahalaga
    -hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga.
    -ito ay maaaring para sa lahat o para sa sarili lamang.
    -nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
    -lumilikha ng kung anong nararapat at kung ano ang dapat gawin
  • Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga
    • tumatagal ang mas mataas na pagpapahalaga
    • mas mahirap mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga.
    • mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga pagpapahalaga.
    • may likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga at ang lalim ng kasiyahang nadarama sa pagkamit nito.
    • ng isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung HINDI ito nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
  • Apat na antas ng hirarkiya ng mataas na pagpapahalaga?
    Sensory, vital, spiritual at holy values
  • Katangian ng sensory values?
    pinaka-mababang antas ng values, tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao.
  • Katangian ng vital values?
    Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being).
  • Katangian ng spiritual values?
    maituturing mas-mataas na antas, Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami.
  • Katangian ng holy values?
    ito ang pinaka-mataas na values, Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
  • Ano ba ang pagkakaiba ng pagpapahalaga at birtud?
    ang pagpapahalaga ay para sa sarili at ang birtud naman ay para sa nakrarami o universal
  • Uri ng birtud?
    intelektuwal at moral
  • intelektuwal
    • understanding
    • science
    • art
    • wisdom
    • prudence
  • moral
    • justice
    • prudence
    • fortitude
    • temperance
  • Saan nangaling ang salitang gawi o habit?
    sa salitang latin na habere na nangangahulugang to have o magkaroon o magtaglay
  • Saan nangaling ang salitang virtue?
    galing sa latin na virtus o vir na nangangahulugang pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas
  • Palagiang pakikipag-ugnay sa diyos?
    panalangin
  • Isang bagay na nagpapakita ng hamon?
    suliranin
  • Pessimistic?
    pagkakaroon ng negatibong pananaw
  • optimistic?
    pagkakaroon ng positibong pananaw
  • Ang papanampalataya ay?
    nagbibigay direksyon sa buhay
  • pagninilay?
    isang malalim na pagiisip