tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos nang pag-aaral
kabuuang nilalaman ng papel, nasa abstrak ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata sa pananaliksik.
Layunin ng Abstrak
Layunin nito ang “maibenta” o maipakitang maganda ang kabuuan ng pananaliksik at mahikayat ang mga mambabasa na ituloy pa ang pagbabasa ng buong artikulo sa pamamagitan ng paghahanap o pagbili ng buong kopya nito.
Uri ng Abstrak
Impormatibong Abstrak
Deskriptibong Abstrak
Kritikal na Abstrak
Impormatibong Abstrak
Naglalaman na ng halos lahat ng mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng pananaliksik.
Maaari itong makapag-isa sapagkat nagbibigay na ito ng buong ideya sa lalamanin ng pananaliksik.
200 words
Taglay ng Impormatibong Abtrak
Motibasyon
Suliranin
Pagdulog at Pamamaraan
Resulta
Kongklusyon
Deskriptibong Abstrak
Naglalaman ito ng suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang ginagamit at saklaw ng pananaliksik ngunit hindi tinatalakay ang resulta, konklusyon at mga naging rekomendasyon ng pag-aaral
100 words
Kritikal na Abstrak
Pinakamahabang uri ng abstrak sapagkat halos kagaya rin ito ng isang rebyu.
Bukod sa mga nilalaman ng isang Impormatibong abstrak, binibigyang ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik.