Ito ay paghahanda ng mga hanay ng mga tanong na ibabahagi sa isang tiyak na populasyon upang makakalap ng tugon, impormasyon, at datos na susuporta o magpapalawak sa tanong o pananaliksik.
Pagsulat ng Sarbey
Bago sumulat ng sarvey, kailangang matiyak muna ang layunin ng pananaliksik. Matapos matiyak ang layunin, maaari nang maghanda ng mga tanong kaugnay sa pananaliksik.
Sa pamamagitan ng malinaw na tanong sa sarvey na tumutugon sa layunin ng isang pananaliksik ay madaling makakakuha o makapangangalap ng mga datos.
Pinakasimpleng paraan naman sa pagpapaliwanag o paglalahad ng kinalabasan ng anumang sarbey ay ang pagkuha sa bahagdan o percentage ng mga sumagot nito at paghahanda ng tabulation, ito ay proseso ng pag-oorganisa ng mga nakalap na datos.
Sunod ay tiyakin ang estratehiya ng pagtatanong, maaaring ang mga tanong ay tutugunan lamang ng oo o hindi, pagpili is ibinigay na opsyon, o bukas na katanungan. Ngunit, tandaan ang mga ito ay nakadepende sa layunin o mga layunin ng pag-aaral.