Talumpati

Cards (10)

  • Talumpati
    sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
  • Mga Uri ng Talumpati
    Impormatibong Talumpati
    Mapanghikayat na Talumpati
  • Impormatibong Talumpati
    uri ng talumpating naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa ano mang bagay, pangyayari, konsepto, lugar, tao, proyekto at iba pa.
  • Mapanghikayat na Talumpati
    uri ng talumpati na kadalasang nakatuon sa mga paksa o isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon.
  • Mga Pagdulog sa Mapanghikayat na Talumpati
    • Pagkuwestyon sa isang katotohanan.
    • Pagkuwestyon sa pagpapahalaga.
    • Pagkuwestyon sa Polisiya.
  • Paraan ng Pagtatalumpati
    Biglaang Talumpati
    Pinaghandaang Talumpati
  • Biglaang Talumpati
    impromptu o biglaang talumpati ay isang uri ng talumpating batay sa pamamaraan. Isinasagawa ang talumpating ito nang walang ano mang paunang paghahanda.
  • Pinaghandaang Talumpati
    Ang talumpating ito ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan at ineensayo bago isagawa.
  • Bahagi ng Talumpati
    1. Simula
    2. Katawan o Gitna
    3. Katapusan o Wakas
  • Mga Gabay sa Pagsulat ng Talumpati
    1.Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya.
    2. Magsulat kung paano ka magsalita
    - Gumamit ng maiikling pangungusap.
    - Huwag gumamit ng mga abstrakto.
    - Laging basahin ng malakas
    3. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa.
    4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa talumpati.
    5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati.