Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Cards (23)

  • 1987- Sa konstitusyong probisyonal ng Biak-na-Bato, itinahadhanang Tagalog ang opsiyal na wika.
  • Enero 21, 1899- Sa konstitusyong Malolos, itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol bilang wikang opisyal.
    • Marso 4, 1899- Wikang Ingles ang tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng komisyong Schurman.
    • Marso 24,1934- Pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ang batas Tydings-McDuffie.
    • Batas Tyding-McDuffie Nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang pilipinas pagkatapos ng sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
    • Noong1935 Halos lahat ng kautusan, proklamasyon, at mga batas ay nasa wikang Ingles. (Boras –Vega 2010)
    • Pebrero 8,1935- Pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Konstitusyon ng Pilipnas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935
    • Seksiyon 3, Artikulo XII- Ang probisyon ng wika na nagsaad na “Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’w walang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting wikang opisyal.
    • Wenceslao Q. Vinzons- Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa na kinatawan mula sa Camarines Norte. Ayon sa orihanal na resolusyon, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika.”
  • Style Committee- Ang may huling pasya sa borador ng Konstitusyon. Binago ng komite ang resolusyon na pinangunahan ni Wenceslao Q. Vinzons
  • Seksiyon 3, Artikulo XIV Binago ng nasabing komite ang resolusyon na pinangunahan ni Wenceslao Q. Vinzons
    “Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong Wika.”
  • Oktubre 27,1936 Ipinahiwatig ni Pangulong Manuel L. Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang magiging tungkulin ng Surian ay gumawa ng pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning mapaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat batay sa isang umiiral sa bansa.
  • Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blng.184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa
  • Kapangayarihan at Tungkulin
    1.Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkahalatang wika sa Pilipinas;
    2.Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa umiiral na katutubong wika at;
    3. bigyang-halaga ang wikang
       pinakamaunlad ayon sa balangkas,
       mekanismo, at panitikang tinatanggap.
  • Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwetl 185.
  • Ang mga Kagawad ng Surian
    Jamie de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) Pangulo   
    Santiago A. Fonacier (Ilokano) Kagawad
    Filemon Sotto (Cebuano) Kagawad
    Casimiro Perfecto (Bicolano) Kagawad
    Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) Kagawad
    Hadji Butu (Mindanoa) Kagawad
    Cecilio Lopez (Tagalog) Kagawad
     hindi tinaggap ni Sotto ang kaniyang posisyon kaya pinalitan siya ni Isidro Abad.
    Kung papansin mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga kagawad upang ipakita na walang particular na lugar na pinapanigan
  • Nobyembre 7, 1937 Pagkaraan ng halos sampung buwan, inilabas ng Surian na Tagalog ang gawing batayan ng Pambansang Wika. Dahil ito ang halos tumutugon sa hinihingi ng Batas Komonwetl Blng. 184
  • Disymebre 30, 1937 Lubas ang katautusang tagapagpalaganap Blg. 134 nanagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas. Nagkaroon ito ng bias pagkaraan ng dalwang taon matapos maihanda at mailimbag ang gramatika at diksyunaryo. (1938-1940)
  • Hunyo18, 1938 Binago ang batas Komonwetl Blg. 184. Sinugsugan ito ng Batas Komonwetl Blg. 333 na naglilipat sa Surian sa tuwirang pamamahala ng Pangulo ng Pilipinas. Dati nasa kamay ng Kalihim ng Edukasyon ang pagpapatibay ng pasiya sa mga suliraning pangwika.
  • Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpalanaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang :
    1.Pagpapalimbag ng
        Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika
         na pinamagatang Ang Balarila ng  
        Wikang Pambansa; at
    2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula
        Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Pbuliko   
        at Pribado sa buong kapuluan.
  • Noong 1942 Nang dumating sa Pilipinas ang mga Hapon, nabuo ang isang grupong tinawag na “purist”. Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na ang mismo ang wikang pambansa at hindi batayan lamang.
  • Ayon kay Prop. Leopoldo Yabes Ang pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang wikang pambansa.
    Saa panahonng ito Niponggo at Tagalog ang nagging opisyal na wika.
  • Artikulo IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943 “Ang pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang wikang pambansa”