Buod ng El Filibusterismo

Cards (88)

  • Ano ang simbolismo ng Bapor Tabo sa El Filibusterismo?
    Ang Bapor Tabo ay sumisimbolo sa hindi pagkakapantay-pantay at diskriminasyon sa lipunan.
  • Sino-sino ang mga taong nasa kubyerta ng Bapor Tabo?
    Ang mga taong may matataas na posisyon sa lipunan
  • Ano ang mga nasa ilalim ng Bapor Tabo?
    Ang mga mahihirap at mababang posisyon sa lipunan
  • Ano ang layunin ni Basilio sa pagsakay sa Bapor Tabo?
    Upang makapunta sa San Diego sa Pasko at dalawin ang pamilya.
  • Sino ang namukhaan ni Basilio sa gubat at ano ang kanyang tunay na pagkatao?
    Si Simoun, na dati ay si Crisostomo Ibarra na tumulong kay Basilio noon.
  • Bakit tinangkang patayin ni Basilio si Simoun?
    Dahil nalaman niyang nag-iisang tao lang si Simoun at Ibarra, ngunit hindi ito natuloy dahil naisip niyang maaari niya itong makasama sa paghihimagsik dahil parehas sila ng karanasan at kasawian sa buhay.
  • Ano ang naging desisyon ni Basilio matapos ang kanyang pag-uusap kay Simoun?

    Tumanggi si Basilio na makihimagsik dahil nais niyang tumulong sa bayan at siya ay mabait sa kapwa.
  • Ano ang foreshadowing na sinabi ni Simoun kay Basilio?

    "Darating ang araw na ikaw mismo ang lalapit sa akin upang maghimagsik."
  • Ano ang nangyari sa panukala ng mga estudyante tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila?
    Sa halip na ang panukala ng mga estudyante, inaprubahan ang Akademya ng Arts and Crafts.
  • Ano ang nangyari kay Maria Clara sa kwento?
    Namatay na si Maria Clara.
  • Ano ang mga nilalaman ng mga paskin sa mga pinto ng unibersidad?
    Ang mga paskin ay naglalaman ng pagtuligsa at paghihimagsik at ibinintang sa mga estudyante.
  • Ano ang nangyari kina Isagani, Sandoval, Makaraig, at Tadeo sa pagpupulong sa Panciteria?
    Ipinadakip silang ngunit nakalaya agad.
  • Bakit napakulong si Basilio at gaano katagal siya sa kulungan?
    Napakulong si Basilio nang 2 buwan dahil ipinagbintang siyang nagpaskil ng mga poster sa labas ng mga paaaralan
  • Ano ang naging epekto ng pagkakulong ni Basilio sa kanyang pag-aaral?
    Hindi siya umabot sa graduation dahil sa pagkakulong.
  • Sino ang nagpalaya kay Basilio mula sa pagkakulong?
    Dahil sa kaniyang mataas na posisyon sa lipunan, si Simoun ang nagpalaya kay Basilio.
  • Ano ang kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez?

    Isang kasal ng mayaman at sikat na tao kung saan nandito ang mga taong matataas ang posisyon.
  • Ano ang sangkap ng lampara na magpapasabog nito?
    Ang lampara ay may sangkap na nitrogliserina na puputok at mamamatay ang lahat ng naroroon.
  • Ano ang plano ni Simoun sa lampara sa kasal?
    Pagkatapos ng 20 minuto, manghihina ang apoy nito at puputok ito, na magdudulot ng kamatayan sa lahat ng naroroon.
  • Ano ang gagawin ni Basilio sa kasal?
    Si Basilio ang magbibigay ng armas sa mga taong lulusob.
  • Ano ang nangyari sa pagkakasalubong ni Isagani at Basilio sa labas ng kasal?
    Nakatitig lamang si Isagani sa kasal dahil nais niyang masilayan ang kanyang kasintahan ng isang huling beses.
  • Ano ang ibinahagi ni Basilio kay Isagani tungkol sa plano ni Simoun?
    Ibinahagi ni Basilio ang plano ni Simoun na patayin ang mga tao sa kasal kay Isagani.
  • Ano ang ginawa ni Isagani bago sumabog ang lampara?
    Mabilisang kinuha ni Isagani ang lampara bago ito sumabog
  • Itinapon ni Isagani sa ilog ang lampara at dito ito sumabog, kaya napansin ito ng mga taong nasa kasal
  • Ano ang simbolismo ng pagsabog ng lampara sa kasal?
    Ang pagsabog ay nagpakita ng simula ng digmaan, ngunit nabigo ito.
  • Ano ang ginawa ni Simoun pagkatapos ng kasal?
    Tumakas si Simoun pagkatapos ng kasal.
  • Ano ang ginawa ni Simoun kay Padre Florentino matapos tumakas sa kasal?
    Nangumpisal
  • Ano ang sinabi ni Padre Florentino kay Simoun habang nangungumpisal ito tungkol sa kasamaan?
    Matatama lamang ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan.
  • Ano ang paraan ng pagpapakamatay ni Simoun?
    Si Simoun ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason.
  • Ano ang ginawa ni Padre Florentino sa mga yaman ni Simoun?
    Tinapon ni Padre Florentino ang lahat ng yaman ni Simoun sa dagat.
  • Ang mga yaman ni Simoun ang nagpaandar sa kaniyang gumawa ng masasamang bagay
  • Dahil hindi inapruba ang panukala ng mga estudyante, ibinahagi nila ang kanilang mga saloobin habang kumakain sa Panciteria Macanista de Buen Gusto?
  • Saan patungo ang Bapor Tabo sa simula ng kwento noong Disyembre?
    Mula Maynila papuntang Laguna
  • Ano ang nasaksihan ni Basilio nang siya ay pumunta sa gubat?
    Si Simoun ay may hinuhukay
  • Habang nasa bilangguan si Basilio ay iniisip niya si Juli na namatay dahil sa sapilitang paglalapit kay Padre Camorra ni Hermana Bali
  • Ayon kay Simoun, sa digmaan, papatayin ang mga taong mahina at ayaw makidigma
  • Mabagal ang pagtakbo ng Bapor Tabo dahil sinisimbolo nito ang mabagal na pagtakbo ng pamahalaan na humahadlang sa mabilis na pag-unlad ng bansa.
  • Ang Bapor tabo ay may karumihan ngunit nakukulapulan ng puting pintura dahil ito ay luma at kailangang palitan na, kaya mistulang nagpapanggap itong malinis.
  • Mabagal ang takbo ng pamahalaan dahil labis na ang pagrereklamo na ng mga nakasakay, ngunit ang mga namamahala nito ay nakikinig lamang sa mga taong may mataas na posisyon sa lipunan
  • pinamamahalaan ang Bapor Tabo ng mga Reverendos (prayle) at Ilustrisimos (mayayaman)
  • ang bapor tabo ay naglalabas ng maitim na usok dahil ito ay mayroong sira at luma ang makina nito