MGA IMPLIKASYON NG MGA TEORYA

Cards (25)

  • Jean Piaget
    Ang isang mahalagang implikasyonng teoryani Piaget ay ang pagbagay ng mga aralin sa antasngpag-unladng mag-aaral. Ang nilalaman ng mga aralin ay kailangang maging pare-parehosaantasngkaisipan o pag-iisipngmag-aaral.
  • Sino ang nagtatag ng teorya ng pag-unlad ng kognitibo na nakilala bilang Piaget?
    Jean Piaget
  • Paano nakakatulong ang paggamit ng pamilyar na mga halimbawa sa pagkatuto ayon kay Piaget?
    Pinadadali nito ang pagpapaliwanag ng komplikadong mga ideya.
  • Anong uri ng mga aktibidad ang dapat gawin upang matulungan ang mga mag-aaral na makipagtulungan sa iba?
    Gumawa ng mga aktibidad na indibidwal at grupo.
  • Ano ang layunin ng paggawa ng mga aralin na makakapagpukaw ng pagiging lohikal at analitikal ng pag-iisip?
    Upang mapalakas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-iisip.
  • Anong uri ng mga aktibidad ang binanggit na makakapagpukaw ng pagiging lohikal at analitikal ng pag-iisip?
    Mga brain teasers.
  • Bakit mahalaga ang pagtanggap ng mga indibidwal na pagkakaiba sa pag-unlad ng kaisipan?
    Upang maunawaan ang iba't ibang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
  • Ano ang dapat suriin upang malaman kung ano ang nararapat na ituro sa mga mag-aaral?
    Ang lebel ng kaunlaran ng pag-iisip ng mga mag-aaral.
  • Lev Vygotsky
    Ayon kay Vygotsky, upang ang kurikulum ay maging kaangkop-angkop sa pag-unlad ng isipan, dapat magplano ang guro ng mga aktibidad na sumasaklaw hindi lamang sa kung ano ang sariling kakayahan ng mga bata, ngunit kung ano ang matututunan nila sa tulong ng iba.
  • Reciprocal Teaching
    ØIto ay kapag ang mga mag-aaral ay naging guro ng kanilang maliit na mga pangkat. Ito ay maaaring gamitin upang mas mahasa pa ang apat na pangunahing kakayahan ng mga estudyante: ang paglalagom, pagtatanong, paglilinaw, at paghula
  • Lev Vygotsky
    • Pagplanuhan ang mga aralin upang makapagbigay ito ng tamang pagsasanay na naaayon sa Zone of Proximal Development ng bata o ng mga kabataan.
    • ØMaaari ring isagawa ang “Scaffolding” o ang pagtuon ng pagtuturo sa bata na naaayon sa kanilang isipan. Sa pamamagitan ng maayos at mabisang interbesyon ng guro ay maaaring mapadali ang pagkatuto ng bata.
  • Jerome Bruner
    • ang layunin ng edukasyon ay hindi upang magbigay ng kaalaman, ngunit upang gabayan at hasain ang kaisipan at kakayahang lumutas ng problema ng mga kabataan na maaaring makatulong sa iba’t-ibang sitwasyon, Ang edukasyon ay dapat ding bumuo ng simbolikong pag-iisip (symbolic thinking) sa mga bata.
  • Jerome Bruner
    • Ang mga aralin ay dapat nakaayon sa lebel ng kaisipan ng mag-aral. Halimbawa, ang pagkakaroon ng kamalayan ukol sa learning modes ng mag-aaral (enactive, iconic, symbolic) ay maaaring maging gabay sa paggawa ng mga aralin na nakaayon sa mag-aaral.
    • ØAyon kay Bruner, napakaimportante na balikan ang kaalaman sa nakaraan kung kaya’t mas mainam na tulungan ang mga mag-aaral na ikategorya ang kanilang dati at bagong kaalaman upang makita nila ang pagkakapareha at pagkakaiba ng mga ito.
  • The Spiral Curriculum
    • Naniniwala si Bruner na ang isang bata, anumang edad, ay may kakayahang maunawaan ang kumplikadong impormasyon
    Ipinaliwanag ni Bruner na possible ito sa pamamagitan ng Spiral Curriculum. Posible ito sa pamamagitan ng pagbabalangkas upang ang mga kumplikadong ideya ay maaaring ituro sa isang pinasimple na antas muna, at pagkatapos ay muling bisitahin sa mas kumplikadong mga antas.
  • Robert Gagne
    • ang nakalaang gawain ng mga mag-aaral ay ang pagkatuto. Hindi maaaring magpalitan ng trabaho ang guro at mag-aaral. Bagkus ay maaaring magbigay ang guro ng mga kinakailangang kondisyon kung saan ang mag-aaral ay maaaring matuto nang higit pa.
  • Ayon kay Gagne, ang mga sumusunod ay ang mga nararapat na gawin ng mga guro sa pagtuturo:
    • Ipaalam sa mga mag-aaral ang mga layunin.
    • Magpresenta ng mga stimuli
    • Pukawin ang atensyon ng mga mag-aaral.
    • Pagtulong sa mga mag-aaral na alalahanin kung ano ang dati nilang natutunan.
    • Ang pagbibigay ng mga kundisyon na makapagpupukaw ng mga kakayahan.
    • Pagtukoy ng pagkakasunud-sunod ng kaalaman ng mga mag-aaral
    • Pagtataguyod at paggabay sa mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto.
  • DAVID AUSUBEL
    ang pagkatuto ng bagong kaalaman ay nakadepende sa kung ano ang alam na o dating kaalaman. Iyon ay, ang pagtatayo ng kaalaman ay nagsisimula sa pagmamasid at pagkilala sa mga kaganapan at bagay sa pamamagitan ng mga konsepto na mayroon na tayo. Nagkakaroon tayo ng kaalaman sa pamamagitan ng pagkatuto ng mga konsepto at pagdaragdag nito sa dating kaalaman.
  • Cummins
    • ito ay pangunahing ginagamit sa pag-unawa at pagsusuri ng lebel ng paggamit ng lenggwahe ng isang mag-aaral.
  • Ang teorya ni Cummins ay maaaring gamitin sa pagtuturo sa pamamagitan ng mga sumusunod:
    • Magsagawa ng mga aktibidad na magpapahintulot sa mga mag-aaral.
    • Huwag pagalitan o pagtawanan ang mag-aaral kung ito ay nagkamali sa pagbigkas bagkus ay turuan ito sa mahinahong paraan at puriin ito sa kanyang pagsubok na magsalita.
    • Turuan ang mag-aaral na makabisa ang mga titig at tunog, hanggang sa makabuo ng mga salita, pagkatapos parirala, hanggang sa matuto sila na makabuo ng mga pangungusap na makatutulong sa kanilang pagsalita
  • Jean Piaget - Developmental stages of learning
  • Leo Vygotsky (Cooperative Learning),
  • Jerome Bruner (Discovery Learning),
  • Robert Gagne (Heirarchical Learning ),
  • David Ausubel (Interactive/Integrated Learning)
  • Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language Proficiency SkillsCALPS)