Globalisasyon

Cards (24)

  • Ano ang proseso ng globalisasyon ayon kay Ritzer (2011)?

    Ito ay proseso ng mabilisang pagdaloy ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon.
  • Ano ang ibig sabihin ng globalisasyon ayon kay Ritzer (2011)?
    Itinuturing ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa, at samahang pandaigdig.
  • Ano ang mga aspeto ng globalisasyon na kinilala ng International Monetary Fund (IMF) noong 2000?

    Kalakalan at transaksyon, paggalaw ng kapital at pamumuhunan, migrasyon at kilusan ng mga tao, at pagpapalaganap ng kaalaman.
  • Ano ang mga pangunahing dahilan ng globalisasyon ayon kay Nayan Chanda?
    • Kagustuhan ng tao na magkaroon ng maayos na pamumuhay
    • Pagkikipagkalakalan
    • Pananakop
    • Pagiging manlalakbay
  • Paano nag-uugnay ang mga aspeto ng globalisasyon sa kagustuhan ng tao ayon kay Nayan Chanda?
    Ang kagustuhan ng tao na magkaroon ng maayos na pamumuhay ang nagtutulak sa pakikipagkalakalan, pananakop, at paglalakbay.
  • Ilan ang mga wave ng pangyayari na binanggit ni Therborn (2005) tungkol sa globalisasyon?

    Anim na wave ng pangyayari.
  • Ano ang mga katangian ng globalisasyon sa iba't ibang panahon?
    1. 4th to 5th Century: Globalisasyon ng relihiyon (Islam at Kristiyanismo)
    2. Late 15th Century: Pananakop ng mga Europeo
    3. Late 18th – early 19th Century: Digmaan sa Europa
    4. Mid 19th Century - 1918: Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
    5. Post World War II: Pagkakahati ng mundo sa ideolohikal na puwersa (kapitalismo at komunisno)
    6. Post Cold War: Pananaig ng kapitalismo
  • Ano ang mga pangyayaring naganap sa kasaysayan na nag-ugat sa globalisasyon?

    Ang pananakop ng mga Romano, pag-usbong ng Kristiyanismo, paglaganap ng Islam, kalakalan sa Mediterranean, at pagsisimula ng pagbabangko sa Italya.
  • Ano ang epekto ng pagbagsak ng Soviet Union sa globalisasyon?
    Nawala ang konsepto ng pagkakahatihati at paghihiwalay ng mga bansa, at pumasok ang mga MNCs sa mga bansang sakop dati ng Soviet Union.
  • Ano ang mga pagbabagong naganap sa kalagitnaan ng ika-20 siglo na may kinalaman sa globalisasyon?
    • Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power
    • Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNCs at TNCs)
    • Pagbagsak ng Soviet Union at pagtatapos ng Cold War
  • Ano ang mga halimbawa ng mga makapangyarihang korporasyon na nagsimula noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo?

    Germany, Great Britain, at Estados Unidos.
  • Ano ang naging papel ng Estados Unidos matapos ang WWII sa globalisasyon?
    Ipinakita ng Estados Unidos ang lakas-militar nito at tinalo ang Japan at Germany.
  • Paano nakatulong ang pag-usbong ng MNCs at TNCs sa globalisasyon?
    Nakatulong ito sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya, at teknolohiya sa buong mundo.
  • Ano ang mga bansang nasailalim ng Soviet Union na nabuksan sa globalisasyon?

    Ukraine, Estonia, Latvia, at iba pang bansa.
  • Ano ang mga aspeto ng migrasyon na naapektuhan ng globalisasyon?
    Nabuksan ang mga bansang ito sa migrasyon, media, turismo, at ugnayang panlabas.
  • ang dalawang bansa na nagpaligsahan sa cold war ay ang USA at Russia
  • Unang perspektibo
    Nayan Chanda (2007) Paniniwalang ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa
    Ang kagustuhan ng tao na magkaroon ng maayos na pamumuhay ang nagtulak sa tao upang makipagkalakalan, manakop at maging manlalakbay.
  • Ikalawang perspektibo
    Scholte (2005)
    Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago
    Ang kasalukuyang globalisasyon ay higit na mataas na anyo
  • Ikatlong perspektibo
    Therborn (2005)
    May anim na wave ng pangyayari na siyang binibigyang diin
  • Ika-apat na perspektibo
    Gibbon (1998)
    Ang globalisasyon at mauugat sa ispisipikong pangyayari na naganap sa kasaysayan.
  • Ika Limang perspektibo
    Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang WWII
    Paglitaw ng multinational at transnational corporations
    Pagbagsak ng Soviet Union matapos ang Cold War
  • Ika limang perspektibo (Ika-20 siglo)
  • 2000 Kinilala ng International Monetary Fund (IMF) ang apat na aspekto ng globalisasyon
  • 2000 Kinilala ng International Monetary Fund (IMF) ang mga aspekto ng globalisasyon
    1. Kalakalan at Transaksyon
    2. Mga paggalaw ng kapital at pamumuhunan
    3. Migrasyon at kilusan ng mga tao
    4. Pagpapalaganap ng kaalaman