Q1

Cards (22)

  • Ang pangkaalamang pakultad - dahil sa kanyang
    panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga, at nangangatwiran.
  • Ang pagkagustong pakultad - dahil sa mga emosyon at dahil sa kilos-loob.
    • Pandama -pumupukaw sa kaalaman, pagkagusto (appetite) na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon, at ang pagkilos o paggalaw
    • Mga panlabas na pandama paningin, pandinig, pandama, pang-amoy, at panlasa. Ito ay may direktang ugnayan sa riyalidad na siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.
  • Dalawang Gamit ng Isipan
    o Makaunawa - kakayahang makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
    • o Maghusga - kakayahang mangatwiran.
  • Gamit ng Malayang Kilos-Loob (Free will)- ito ay isang kakayahan ng tao na nag-uudyok na magnais, pumili o umayaw.
  • Ano nga ba ang ISIP?
    • Ang kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan. May kakayahan itong magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kanyang nauunawaan.
  • Ano naman ang KILOS-LOOB?
    • Isang makatwirang pagkagusto (Rational Appetency)
    sapagka’t ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa
    masama
  • Ano ba ang konsensya?
    Ang konsensya ay isa sa mga kilos ng isip na nag-uutos o naghuhusga sa mabuting dapat gawin o sa masamang dapat iwasan; ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa
    kabutihan.
  • Dalawang Elemento ng Konsensya:
    1. Pagninilay paraan upang maunawaan kung
    ano ang tama o mali, mabuti o masama; at
    paghatol na ang isang gawain ay tama o
    mali, mabuti o masama.
    • 2. Pakiramdam - isang pagbabago sa sarili na nagnanais na gawin ang mabuti.
  • Tatlong Pagpapahalaga sa Pagbuo ng Mabuting Konsensya:
    pagtitiwala sa sarili at sa mga natutuhang prinsipyo mula
    sa batas ng Diyos at tao.
    2. Paninindigan nagpapahayag ng lakas ng loob o katapangan sa
    pagpili kung ano ang tama o mali.
    • 3. Katapatan pagiging makatotohanan sa kapwa, institusyon, lipunan
    at sa sarili; ito ay nakapagpapatibay ng integridad.
  • Tatlong Pananaw sa Konsensya:
    • Sekular na Pananaw ang konsensya ay gawain ng utak upang gawing magaan o madali ang reciprocal altruism sa lipunan.
    • Psycho-Analytical Ang konsensya ay galing sa super-ego na mula sa pagpapalaki ng magulang.
    o Bio-psychological- ang kakayahan ng konsensya ay mula sa
    kanyang pagkatao.
    2. Pilosopikal na Pananaw- paglalapat ng mga natutuhang prinsipyo ng
    tama o maling gawain mula sa mga magulang, kaibigan, simbahan
    o institusyon na maaaring tanggap o hindi tanggap ng isang tao.
    • 3. Panrelihiyong Pananaw ang konsensiya ang tagapagbantay o tagapagpaalala kung mayroon kang binabalak na taliwas sa Batas Moral o Batas ng Diyos.
  • Mga Panrelihiyong Pananaw tungkol sa Konsensya:
    • Taoismo konsensya + social etiquette= kakayahan ng tao para sa kabutihan at pagkakasundo-sundo (harmony).
    • B. Budismo isang malinis na puso, mapayapa at isipang wasto ang tinutungo o well-directed mind.
    C. Islam- ukol sa tamang pag-uugali o pagpipigil sa sarili laban sa masama.
    D. Kristiyanismo- ang Diyos ang 
    nagbigay ng konsensya upang malaman
    natin kung kailan natin sinusuway ang Kanyang Batas; ang lungkot na ating
    nararamdaman ay nagsasabing kailangang magsisi.
  • Apat na yugto ng Konsensya
    1. Alamin at naisin ang mabuti.
    2. Pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon.
    3. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos.
    4. Pagsusuri ng Sarili o Pagninilay.
    Ang Likas na Batas Moral Bilang Batayan ng Kabutihan
    at ng Konsensya
  • “Ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao
    ang kanyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at
    itakda ang paraan upang makamit ito.” –Thomas Aquinas
  • Ang kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ngbawa't tao, kung mayroon ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon sa
    buhay. Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo.
  • Apat na Uri ng Kalayaan
    1. Pangunahing Kalayaan o Fundamental Freedom
    -Pinakamalalim sa lahat ng kalayaan sapagkat sa antas na ito nasasabing
    ang isang tao ay tunay na malaya, sapagkat sakop nito ang buo niyang katauhan.
    2. Sikolohikal na Kalayaan o Psychological Freedom
    -Sumasakop sa kalayaan sa pagpili o freedom of choice. Ito ay ukol sa kakayahan ng kapasyahan ng tao o human will na may dalawang aspeto:
    o Freedom of Exercise - ito ay 
    kapasyahang gawin ang isang
    bagay o hindi.
    o Freedom of Specification - ito ay kapasyahan kung paano gagawin ang isang bagay.
  • Apat na Uri ng Kalayaan
    3.  Moral na Kalayaan o Moral Freedom
    -Inilalarawan nito ang pagbabalak ng tao kung paano siya mabubuhay at kung paano niya maihuhugis ang kanyang biograpiya at pagkakakilanlan.
    4. Kalayaang Politikal
    -Ang sosyal na kalayaan ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao upang matamo nila ang kanilang minimithi at hinahayaan nitong ang mga ito ay maisabuhay.
  • Dalawang Aspekto ng Kalayaan
    Kalayaan mula sa (Freedom from)
    Malaya ang tao kapag walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay.
    2. Kalayaan para sa (Freedom for)
    • Ang tunay na kalayaan ay ang makita ang kapwa at mailagay siyang una bago ang sarili.
  • Ano ang Dignidad?
    Ang dignidad ay katangi-tangi dahil sa Diyos mismo ito nanggaling, at dahil dito nagkaroon ng kabuluhan ang buhay
    pagkatao natin. Ang lahat ng tao ay may angking integridad na umuunlad sa pagtanda ng isang tao. Ang dignidad ay
    kailanma’y hindi maiaalis sa atin lalo’t higit, hindi ito maaaring
    labagin.
  • Dignidad
    Ito ay galing sa  salitang Latin na 
    dignitas, mula sa dignus na ang ibig 
    sabihin ay “karapat-dapat”.