TUNGKULIN NG WIKA O GAMPANIN NITO

Cards (10)

  • Ayon kay Wells 1981, may limang tungkulin o gamit ng wika kaugnay ng mga gawi ng
    pagsasalita sa bawat tungkulin.
    1. PAGKONTROL- nagpapahayag ng pakikiusap, pag-uutos, pagmumungkahi at pagtanggi sa
    isang bagay na paksa ng usapan.
  • 2. PAGBABAHAGI- ito ay nagpapahayag ng damdamin ng pakikiramay, pasasalamat, pagpuri
    at pagpayag sa isang paksa ng usapan.
  • 3. Pagbibigay o Pagkuha ng Impormasyon -ito ay nagpapahayag ng pagtukoy, pag-uulat, at
    pagtatanong sa paksa ng usapan
  • 4. Pagkakaroon ng Interaksyun sa Kapwa -ito ay nagpapahayag ng pagbati, pagbibiro, at
    paghingi ng paumanhin sa paksang pinag-uusapan
  • 5. Pangangarap at Paglikha -ito ay nagpapahayag ng pagsasalayasay ng kwento, pangarap, at
    mithiin sa paksang pinag-uusapan.
  • ANTAS NG WIKA
    Pormal - wikang kinikilala o ginagamit ng nakararami sa lipunan at ang istandard na wikang
    natututuhan sa paaralan. Ito ang wikang gingamit sa mga sulating pang-akademiko.
  • Uri ng Pormal na Wika
    1. Pambansa - mga salitang ang kahulugan ay makikita sa diksyunaryo.
    2. Pansemantika/Pangretorika - mga salitang ginagamit sa akdang pampanitikan na malalalim
    ang kahulugan.
    3. Panteknikal- mga salitang ginagamit sa agham at matematika;
  • ANTAS NG WIKA
    Di-Pormal o Impormal - wikang karaniwang ginagamit sa araw-araw na pakikipag-usap.
  • Uri ng Impormal na Wika
    1. Lalawiganin - mga salitang ginagamit ng mga taong naninirahan o nanirahan sa isang
    partikular na pook o lalawigan.
    2. Kolokyal - mga salitang araw-araw ginagamit na nagkaroon ng modipikasyon tulad ng
    pagpapaikli sa mga salita sa pamamagitan ng pagkakaltas ng titik at pagpapalit ng ginamit na
    titik.
    Halimbawa: Meron, Nasan, Ayoko
    3. Balbal - mga salitang madalas ginagamit sa lansangan at itinuturing na mababang antas ng
    wika. Katumbas ito ng slang sa Ingles.
    Halimbawa: Alaws, Chiks, Labyu, Epal, Mudra