Ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng mga tao?
Kita at trabaho, uri ng pamumuhay, at pansariling konsepto ng pag-iimpok
Paano naaapektuhan ng kita ang pagkonsumo ng isang tao?
Ang antas ng pagkonsumo ay nakadepende sa liit o laki ng kita
Ano ang papel ng trabaho sa pagkonsumo ng mamimili?
Ang laki ng kita ay naaapektuhan ng uri ng trabaho
Ano ang budget constraint sa konteksto ng pagkonsumo?
Limitasyon ng pansariling badyet na nagtatakda kung gaano kalaki ang maaaring gastusin
Ano ang epekto ng sobrang kita sa pagkonsumo ng isang tao?
May mas malaking kakayahang bumili ng iba pang bagay bukod sa pangunahing pangangailangan
Ano ang mga halimbawa ng propesyonal na pangangailangan ng isang guro?
Tisa, kartulina, at marker
Ano ang halaga ng presyo sa pagkonsumo?
Ang presyo ang nagiging hadlang o panghihikayat sa tao na ikonsumo ang isang kalakal
Paano nakakaapekto ang presyo sa bilang ng bumibili ng isang produkto?
Kung mataas ang presyo, kakaunti lamang ang bibili, ngunit kung mababa, maraming tao ang bibili
Ano ang epekto ng pagkakaiba sa kita sa uri ng pamumuhay at pagkonsumo?
Ang pagkakaiba sa kita ay nagbigay-daan sa pagkakaiba ng uri ng pamumuhay at pagkonsumo
Ano ang inilathalang ulat ng PSA tungkol sa average family income noong 2015?
22 thousand Pesos Monthly
Ano ang pagkakaiba sa pagkonsumo ng mga manggagawa na may mababang kita kumpara sa mga may mataas na kita?
Mas mataas kumonsumo ng tabako at alcohol ang mga may mababang kita, habang mas naglalaan ng pondo para sa kalusugan at edukasyon ang mga may mataas na kita
Bakit mahalaga ang pag-iimpok sa pagkonsumo ng mga mamamayan?
Ang pag-iimpok ay nangangahulugan ng pagtatabi ng salapi para sa hinaharap
Ano ang porsyento ng mga Pilipino na walang ipon sa bangko noong 2014 ayon sa World Bank?
69 porsiyento
Ano ang karaniwang dahilan kung bakit hindi nag-iimpok ang iba?
Kailangang matugunan muna ang mga pangangailangan kaysa mag-impok
Ano ang mga halimbawa ng mga bagay na binibili ng mga tao gamit ang sobrang salapi?
Damit, sapatos, bag, panonood ng sine, pagkain sa restoran, o pagbabakasyon
Ano ang mga salik na maaaring makaapekto sa pagkonsumo ng mga tao?
Okasyon, edad, kasarian, pagpapahalaga, kalusugan, panahon, at pag-aanunsiyo
Paano nakakaapekto ang okasyon sa pagkonsumo ng mga tao?
Mas maraming binibili ang mga tao kung mayroong pagdiriwang
Ano ang pagkakaiba sa pagkonsumo ng mga bata kumpara sa matatanda?
Mahilig ang mga bata sa kendi at laruan, samantalang mahalagang bilhin ng matatanda ang gamot
Paano nakakaapekto ang kasarian sa pagkonsumo?
Iba ang pangangailangan ng mga lalaki kumpara sa mga babae
Ano ang pagpapahalaga sa konteksto ng pagkonsumo?
Mga ugali, hilig, at gawi ng tao na nakaiimpluwensiya sa mga bagay na binibili
Paano nakakaapekto ang kalusugan sa pagkonsumo ng tao?
Ang kalusugan ay nakapipigil sa mga tao na ikonsumo ang lahat ng kalakal
Paano nakakaapekto ang panahon sa pagkonsumo ng tao?
Mas malakas ang pagkonsumo ng yelo sa tag-init at mainit na inumin sa tag-ulan
Ano ang epekto ng pag-aanunsiyo sa pagpili ng mga mamimili?
Nakaimpluwensiya ang mga anunsiyo sa pagpili ng mga mamimili
Ano ang epekto ng kalagayan sa lipunan sa pagkonsumo?
Ang kalagayan sa lipunan ay nagiging batayan ng pagkonsumo
Ano ang pangunahing sukatan kung paano gagastos ang isang mamamayan?