LESSON 1-5 (midterms)

Cards (74)

  • Ang pagsulat ay personal na gawain sapagkat ginagamit para sa LAYUNING EKSPRESIB o sa PAGPAPAHAYAG NG INIISIP O NADARAMA.
  • Proseso ng Pagsulat
    • Bago Magsulat -> Akwal na Pagsulat -> Muling Pagsulat -> Pinal na Awtput ->
  • Akademikong Pagsulat
    • Pagsulat sa paaralan mula sa antas na primarya hanggang doktoradong pag-aaral. Itinuturing na isang intelektwal na pagsulat.
  • Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
    • Katotohanan
    • Ebidensiya
    • Balanse
  • Katotohanan
    • Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakakagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.
  • Ebidensiya
    • Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilahad.
  • Balanse
    • Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinion at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.
  • Katangian ng Akademikong Pagsulat
    • Kompleks
    • Pormal
    • Tumpak
    • Obhetibo
    • Eksplisit
    • Wasto
    • Responsable
  • Kompleks
    • Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.
  • Pormal
    • Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at babal na salita at ekspresyon.
  • Tumpak
    • Dapat na ang datos tulad ng facts and figures ay tumpak o walang labis at walang kulang.
  • Obhetibho
    • Dapat obhetibo, sa halip na personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin.
  • Eksplisit
    • Responsibilidad ng manunulat nito nagawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa.
  • Wasto
    • Paggamit nang wastong bokabularyo o mga salita. Pagpili ng angkop na salita.
  • Responsable
    • Kailangang maging responsible ang manunulat sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.
  • Layunin ng Akademikong Pagsulat
    • mapanghikayat na layunin
    • mapanuring layunin
    • impormatibong layunin
  • Gamit/Tungkulin ng Akademikong Pagsulat
    • and akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika
    • ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip
    • ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao
    • ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon
  • REPLEKTIBONG SANAYSAY
    • kadalasang naglalaman ng mga reaksyon, damdamin, at pagsusuri ng isang karanasan sa napakapersonal na paraan, kaiba sa paraan ng pormal na pananaliksik o mapanuring sanaysay (Bernales & Bernardino, 2013).
    • isang interaksyon sa pagitan ng mga ideyang natanggap mula sa labas at ng iyong internal na pag-unawa at interpretasyon sa mga ideyang iyon.
    • hindi ito isang dayari o dyornal
    • nag-aanyaya ng selfreflection o pagmumunimuni bilang isang kapasidad na magsuri at magsintesays
  • Kalikasan ng Replektibong Sanaysay

    • Isinusulat upang magpakita ng personal na repleksyon at pagmumuni-muni sa isang paksa.
    • Naglalaman ng mga reaksyon, damdamin, at pagsusuri ng karanasan sa personal na paraan.
  • CERAE
    • Context
    • Experience
    • Reflection
    • Action
    • Evaluation
  • Pagsusulat
    • Ang pagsulat ay ang proseso ng paglalagay ng mga salita, simbolo, at ilustrasyon sa papel o anumang kasangkapang magagamit upang maipahayag ang mga saloobin ng isang tao o grupo.
    • Sa pananaw ni Badayos, ang pagiging epektibo sa pagsulat ay isang bagay na madalas na mahirap makamit ng marami, maging ito man ay sa unang wika o pangalawang wika.
  • Teknikal na Pagsulat
    • Nagsasaad ng impormasyon na maaring makatugon sa isang komplikadong suliranin. Nakatuon sa isang espesipik na audience.
    • ay espesyalisadong anyo ng pagsulat na nakatuon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo.
    • Layunin nito ang magbigay ng impormasyon na makakatulong sa paglutas ng kumplikadong mga problema at saklaw nito ang iba pang subkategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at manwal.
  • Journalistic na Pagsulat
    • Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang journalist. Makikita sa columnar ng dyaryo,tulad ng editoryal,balitang sulatin, lathalain.
    • Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist
    • Halimbawa nito ang pagsulat ng balita, kolum, at iba pa
  • Reperensyal na Pagsulat
    • Sulatin na naglalayon magrekomenda ng iba pang mga sors o reference. Para sa mas malawak na pag intindi sa isang paksa
    • Madalas binubuod o pinaikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinanghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal at talababa o endnotes
  • Propesyonal na Pagsulat
    • Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon.

    Halimbawa: Police report, medical report at iba pa na may kaugnayan sa isang propesyon
  • Malikhain na Pagsulat
    • Pokus ang imahinasyon ng manunulat. Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa. Piksyunal o dipiksunal
    • Halimbawa nito ay ang pagsulat ng tula, nobela, dula, at iba pa
  • MGA ANYO NG AKADEMIKONG PAGSUSULAT
    • KARANIWANG ANYO - Sintesis, Buod, Abstrak, talumpati at rebyu.
    • PERSONAL NA KATEGORYA - Replektibong sanaysay, posisyong papel, lakbaysanaysay at pictorial essay.
    • IBA PANG ANYO - bionote, panukalang proyekto, agenda at katitikan ng pulong.
  • TIPS SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
    Ayon kay Maggie Mertens
    • Mga iniisip at reaksyon - Ilahad at ipaliwanag ang damdamin at sariling karanasan hinggil sa paksa
    • Buod - Ito ay isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip
    • Organisasyon - Pag-sasaayos ng mga ideya Panimula, katawan, kongklusyon
  • Bahagi ng Replektibong Sanaysay:
    1. Introduksyon – Pagpapakilala sa paksa.
    2. Katawan – Malinaw at lohikal na pagtalakay ng karanasan.
    3. Konklusyon – Pagbubuod ng natutunan.
    Dapat Tandaan:
    • Gumagamit ng unang panauhan (ako, tayo, kami).
  • CONTEXT
    • ano ang paksa o konsepto
  • EXPERIENCE
    • mga obserbasyon, damdamin, at iba pa habang isinasagawa ang aktibidad/pagtala kay sa konsepto
  • REFLECTION
    • mga napagtanto/reyalisasyon at natutunan
  • ACTION
    • paano mo ilalapat ang iyong mga natutunan
  • EVALUATION
    • pagsusuri sa buong aktibidad/paksa
  • MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN
    • Manghikayat ng mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa.
    • Halimbawa nito ay posisyong papel
  • MAPANURING LAYUNIN
    • Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Ang lauinin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan.
    • Halimbawa nito ay Panukalang proyekto
  • IMPORMATIBONG LAYUNIN
    • Ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hingil sa isang paksa.
    • Halimbawa nito ay abstrak
  • Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika
    • Sa apat na makrong kasanayang pangwika, pagsulat ang pinakahuli.
    • Sa akademikong pagsulat, nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga magaaral
  • Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pagiisip
    • Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang ISANG PROSESO, kaysa bilang isang awtput. Ang prosesong ito ay maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain.
  • Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao o ethics
    • Higit na mahalaga sa mga ito, tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang mga kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral.
    • Malinang ang katapatan sa bawat mag-aaral.
    • makpagturo sa mga-aaral ng HALAGA ng kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap, responsibilidad, pangangatwiran at pagpapanatili ng bukas na isipan.
    • sa pangkatang pagsulat kailangan ang Kooperasyon, paggalang sa indibidwal.
    • Pagkamasunurin at disiplina.