Mga Relihiyon sa Sinaunang Panahon

Cards (14)

  • Relihiyon
    • sistema ng pananampalataya, pagsamba, at mga kaugalian
    • nakabatay sa paniniwala sa isang espiritwal na kapangyarihan o        mga dios              
    • may mga ritwal, moralidad, at institusyon
  • Mga Elemento ng Relihiyon ayon kay Emile Durkheim
    1. Isang Pananampalataya - pinag-isa at sistematikong sistema ng paniniwala
    2. Mga Ritwal - paghihiwalay ng banal (sacred) na bagay at karaniwang bagay (profane) at nagbibigay galang sa mga bagay na kilalang banal.
    3. Mga Simbahan - may pamayanan ng mga mananampalataya o mga simbahan.
    4. Pagbubuklod ng Lipunan - pinag-iisa ang mga tao sa parehong kultura, tradisyon, at pag-uugali.
  • Kahalagahan ng Relihiyon sa Sinaunang Panahon
    1. Nagbigay kaayusan 
    2. Batayan ng batas, kultura, at pamahalaan
    3. Pagkakaisa, pagkakakilanlan, at pagpapahalaga sa lipunan
  • Mga Relihiyon at Paniniwala
    • Hinduismo at Budismo
    • Kristiyanismo, Judaismo, at Islam
    • Confucianismo at Shintoismo
  • Hinduismo
    • Sinaunang India (1500 bce)
    Pangunahing Paniniwala:
    • Karma: May direktang epekto ang aksyon ng tao sa kanyang kapalaran.
    • Reinkarnasyon: Ang kaluluwa ng tao ay muling ipapanganak sa ibang anyo.
    • Moksha: Ang pagkakalaya sa siklo ng reinkarnasyon.
    • Sistemang Caste: Stratipiko ng lipunan batay sa karma at dharma.
  • Budismo 
    • Sinaunang India (6th century bce)
    • Buddha (Siddharta Gautama) - “The Enlightened One” o “Ang Naliwanagan”
    Mga Pangunahing Aral:
    • Apat na Dakilang Katotohanan o 4 Noble Truths; katotohanan ng pagdurusa, pinagmulan ng pagdurusa, pagwawakas ng pagdurusa, at landas tungo sa pagwawakas nito. 
    • Noble Eightfold Path - gabay sa tamang pamumuhay at pagkamit ng nirvana
    Nirvana - state of freedom from suffering and rebirth.
    • Paglaganap - mula India patungo China, Japan, at iba pang bahagi ng Asya.
  • Judaismo 
    • Sinaunang Mesopotamia [Kasulukuyang Iraq] (2000 bce)
    • Naniniwala sa iisang Dios, Yahweh.
    • Torah; banal na kasulatan ng mga Hudyo.
    • Kasaysayan - Ang Exodo ng mga Ebreo mula sa Ehipto at pagtatag ng Israel.
  • Kristiyanismo
    • Sinaunang Israel (1st century ce)
    • Hesus ng Nazareth - tinuturing na anak ng Diyos at tagapagligtas ng sangkatauhan
    • Banal na Biblia - binubuo ng luma at bagong tipan.
    • Unang lumaganap sa Imperyong Romano at naging pangunahing relihiyon sa Europa.
  • Islam 
    • Saudi Arabia (7th century ce)
    • Propeta Muhammad (PBUH) - huling propeta na tumanggap ng rebelasyon mula kay Allah (PBUH)
    Limang Haligi ng Islam:
    • Shahada (Pananampalataya)
    • Salah (Pananalangin)
    • Zakat (Kawanggawa)
    • Sawm (Pag-aayuno)
    • Hajj (Paglalakbay sa Mecca)
    • Koran (Banal na Aklat ng Islam)
    • Mabilis na lumaganap mula Arabian Peninsula patungo sa Asya, Aprika, at Europa.
  • Confucianismo
    • Sinaunang Tsina (5th century bce)
    • Confucius (Kong Fuzi) - pilosopo na nagturo ng etika, moralidad, at pamamahala.
    Mga Pangunahing Aral:
    • Filial Piety: paggalang at pagsunod sa magulang at nakakatanda
    • Li (tamang asal) at Re (kagandahang loob)
    • Civil Service Examination
  • Shintoismo 
    • Sinaunang Japan
    • Pagsamba sa kalikasan at Kami o mga espiritu
    • Mga Shrine at Ritwal 
    • Papel sa kultura: mahigpit na kaugnay ng Hapones at kultura ng Japan.
  • Papel ng Relihiyon sa Pamumuhay at Kultura ng Sinaunang Sibilisasyon
    • Ritwal at Pagsamba 
    • Mga Tradisyon at Seremonya
    • Mga templo, shrine, simbahan, at moske bilang sentro ng komunidad.
    • Arkitektura at Sining
    • Mga Relihiyosong Estruktura
    • Simbolismo sa sining
    • Epekto sa Pang-araw-araw na Pamumuhay 
    • Gabay sa moralidad at asal
    • Mga relihiyosong batas at tuntunin na sinusunod ng komunidad
  • Kahalagahan ng Pag-unawa sa Relihiyon sa Kasalukuyang Panahon
    • Nagbibigay linaw sa ating kasalukuyang pananaw sa iba’t-ibang kultura at tradisyon 
    • Upang maunawaan ang pinagmulan ng modernong pananampalataya at kanilang mga epekto sa isyu sa lipunan ngayon.
  • Pagsusuri sa Pangmatagalang Epekto ng Relihiyon sa mga Sinaunang Sibilisasyon
    • Ang relihiyon ay may malalim na impluwensya sa pamahalaan, ekonomiya, at kultura.
    • Ang mga sinaunang relihiyon ay nagbigay-daan sa pagbuo ng mga makabuluhang sistema ng batas, panlipunang estruktura, at pagpapahalaga na nananatili hanggang sa kasalukuyan.