Epekto ng Globalisasyon

Cards (31)

  • Ano ang epekto ng globalisasyon sa antas ng teknolohiya sa buhay ng tao?
    Pag-angat ng antas ng teknolohiya sa buhay ng tao sa daigdig.
  • Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa pandaigdigang kalakalan?
    Mabilis na gumalaw pataas ang pandaigdigang kalakalan sa iba’t ibang dako ng daigdig.
  • Ano ang koneksyon ng migrasyon sa pag-unlad ng teknolohiya?
    Ang migrasyon o paggalaw ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar ay naikakawing din sa pag-unlad ng teknolohiya.
  • Ano ang epekto ng globalisasyon sa palitan ng mga produkto?
    Ang palitan ng mga produkto sa daigdig ay naging mas madali dahil sa mga sistemang inilatag dulot ng globalisasyon.
  • Ano ang mga epekto ng globalisasyon sa aspekto ng ekonomiya, sosyo-kultura, at teknolohiya?
    • Epekto sa ekonomiya: Mabilis na pag-inog ng mga kalakal, palitan ng produkto at serbisyo.
    • Epekto sa sosyo-kultura: Pagyakap sa kultura ng iba.
    • Epekto sa teknolohiya: Pag-unlad ng teknolohiya at paglaganap ng makabagong kagamitan.
  • Ano ang pangunahing mukha ng globalisasyon sa ekonomiya?

    Ang mabilis na pag-inog ng mga kalakal sa daigdig.
  • Paano dumadaloy ang mga produkto at serbisyo sa pandaigdigang pamilihan?
    Ang mga palitan ng mga produkto at serbisyo ay mabilis na dumaloy sa mga pandaigdigang pamilihan sa pagitan ng mga bansa.
  • Ano ang papel ng mga kompanya sa globalisasyon?
    Ang mga kompanya sa loob at labas ng bansa ay masiglang nakibahagi sa globalisasyon.
  • Ano ang ibig sabihin ng Multinational Companies (MNC’s)?
    Mga kompanya na malawak na nakikipagkalakalan sa iba’t ibang nasyon.
  • Ano ang pagkakaiba ng Transnational Companies (TNC’s) sa MNC’s?
    Ang TNC’s ay may operasyon sa iba’t ibang bansa at nakabatay sa pangangailangang lokal.
  • Ano ang mga katangian ng Transnational Companies (TNC’s)?
    May mga pasilidad at pagawaan na nakabase ang paglikha ng produkto at serbisyo sa pangangailangan ng bansa.
  • Ano ang mga halimbawa ng TNC’s?

    Mga nasa “Business Process Outsourcing” (BPO), mga kompanya ng gamot, langis, at industriya ng Information Technology.
  • Ano ang ibig sabihin ng Multinational Companies (MNC’s)?
    Mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa na hindi nakabatay sa pangangailangan ng lokal na pamilihan.
  • Ano ang mga batayang ambag ng mga kompanya sa pag-unlad ng mga bansa ayon kay Bienvenido S. Oplas, Jr.?
    Pagpapayabong ng negosyo, paglikha ng hanapbuhay, at kabuuang pag-unlad ng bansa.
  • Ano ang mga salik na ayaw ng mga kompanya at mamumuhunan sa isang bansa?
    Mga pamahalaang pugpog ng korapsyon, kaguluhan, at pabago-bagong mga polisiyang pangkalakalan.
  • Ano ang mga positibong epekto ng globalisasyon?
    • Tiyak na trabaho at kita sa mga tao.
    • Karagdagang buwis para sa pamahalaan mula sa mga kompanya.
  • Ang sumusunod ay mga negatibong epekto ng Globalisasyon
    • Hindi patas na kompetisyon sa mga lokal na mamumuhunan.
    • Posibleng malugi at magsara ang mga lokal na negosyo.
    • Mura ang pasahod o "cheap labor" sa mga manggagawa.
  • Ano ang epekto ng globalisasyon sa teknolohiya at sosyo-kultura?
    Ang pag-unlad ng teknolohiya ay naging daloy ng mabilis na paglaganap ng globalisasyon sa mundo.
  • Ano ang mga suliraning dulot ng globalisasyon?
    “Cheap labor”, pagsasara ng mga lokal na kompanya, at kawalan ng access sa edukasyon.
  • Paano nakakaapekto ang teknolohiya sa trabaho ng mga tao?

    Kakaunti na lamang ang taong kailangang magtrabaho dahil nagagampanan na ito ng mga makina.
  • Ano ang epekto ng pagdami ng mga imported na produkto sa lokal na pamilihan?

    Mas mura ang mga imported na produkto kaysa sa mga lokal na produkto.
  • Ano ang ibig sabihin ng "enculturation" sa konteksto ng globalisasyon?

    Paunti-unting pagyakap sa kultura ng iba.
  • Ano ang mga batayang ambag ng mga kompanya sa pag-unlad ng mga bansa ayon kay Bienvenido S. Oplas, Jr.?

    Pagpapayabong ng negosyo, paglikha ng hanapbuhay, at kabuuang pag-unlad ng bansa.
  • Ang sumusunod ay mga negatibong epekto ng Globalisasyon

    • Hindi patas na kompetisyon sa mga lokal na mamumuhunan.
    • Posibleng malugi at magsara ang mga lokal na negosyo.
    • Mura ang pasahod o "cheap labor" sa mga manggagawa.
  • Ano ang ibig sabihin ng "enculturation" sa konteksto ng globalisasyon?
    Paunti-unting pagyakap sa kultura ng iba.
  • Ang pagdami ng mga imported na produkto sa pamilihan ay mas mura kaysa sa mga lokal na produkto ay negatibong epekto din.
  • Isa sa suliranin na dulot ng globalisasyon
    Pabago-bagong polisiya ng pamahalaan na kalimitan ay pumapabor sa mga malalaking negosyo na pagmamay-ari ng dayuhan.
  • Suliranin ng Globalisasyon
    Pagsasara ng mga lokal na kompanya kung hindi nito mapapantayan ang output ng mga malalaking negosyo
  • Paggamit ng teknolohiya sa produksyon, kakaunti na lamang ang taong kailangang magtrabaho dahil nagagampanan na ito ng mga makina na pinamamahalaan ng mas maliit na bilang ng mga manggagawa.
  • Ang kawalan ng “access” sa edukasyon para matutunan ang paggamit o “skills” ng makabagong teknolohiya ay hadlang sa pagkatuto dulot na din ng kahirapan ng mga mamamayan.
  • Ang pag-unlad ng teknolohiya ay maituturing na mabisang dahilan at naging daloy ng mabilis na paglaganap ng globalisasyon sa mundo.