Katitikan ng Pulong

Cards (72)

  • Katitikan ng Pulong
    Ø  ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang
    napagusapan o napagkasunduan.
    Ø  ito ay ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag
    na katitikan ng pulong na kalimitang isinasagawa ng pormal obhetibo at komprehensibo.
    Ø  ang katitikan ng pulong rin ay maaaring magamit bilang
    "prima facie evidence" sa mga legal na usapin.
  • Prima Facie Evidence - sa karaniwang hurisdiksiyon ng
    batas, ang prima facie ay nagsasaad na ang ebidensiya malibang salungatin ay sasapat upang patunayan ang isang partikular na proposisyon o katotohanan. Ang salitang ito ay ginagamit din sa akademikong pilosopiya.
  • katitikan ng pulong ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong.
    Ø  isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong ng bahagi
    ng adyenda.
    Ø  nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anong oras
    nagsimula at nagwakas ang pagpupulong gayundin ang lugar na pinagganapan nito.
    Ø  ito ang nagsisilbing tala ng isang malaking organisasyon
    upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinatalakay.
  • Mga mahahalagang bahagi ng Katitikan ng Pulong
    Heading
    Mga Kalahok o Dumalo
    Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
    Action items o Usaping Napagkasunduan
    Pabalita o Patalastas
    Iskedyul ng susunod na Pulong
    Pagtapos
    Lagda
  • Mga Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
    Heading -naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita din dito ang petsa at lokasyon at oras ng pagsisimula ng pulong.
  • Mga Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
    Mga Kalahok o Dumalo - dito nakalagay ang mga nanguna sa pagpapadaloy ng pulong at pangalan ng lahat ng dumalo.
  • Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong - dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay nagpatibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.
  • Action Items o Usaping Napagkasunduan - dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa paksang tinalakay kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong.
  • Pabalita o Patalastas - hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa dumalo ay maaring ilagay dito.
  • Iskedyul ng Susunod na Pulong - nakatala sa bahaging ito kung saan gaganapin at kailan ang susunod na pulong.
  • Pagtapos - inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
  • Lagda - mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito naisumite.
  • Mga Dapat Gawin sa Taong Naatasang Kumuhs ng Katitikan ng Pulong
    Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi nya trabahong ipaliwanag o bigyang interpretasyon ang mga napagusan sa pulong, sa halip gagawin nya lamang ay itala at isulat ito. Mahalagang ito ay maging obhetibo at organisado rin
  • Ayon kay Sudprasert (2014) na "english for the workplace 3) ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:
    Hanggat Maari ay Hindi Participant sa Nasabing Pulong - hindi madali ang pagkuha ng katitikan ng pulong kaya napaka halaga na ang naatasang kumuha nito ay may sapat na atension sa pagtatala.
    Umupo Malapit sa Tagapanguna o Presider ng Pulong - magiging madali para sa kanyang linawin sa tagapanguna ang mga ilang mga bagay na hindi niya lubos maunawaan kapag siya ay malapit rito.
  • Ayon Sudprasert
    May Sipi ng mga Pangalan ng mga Taong Dadalo sa Pulong - mahalaga na malaman kung sino sino ang dumalo sa pulong at maging ang mga liba.
    Handa sa mga Sipi ng Adyenda at Katitikan ng Nakaraang Pulong - kung hindi naipamahagi nang maaga ang adyenda na pag-uusapan sa pulong, mahalagang maibahagi ito kasama ang sipi ng katitikan ng nagdaang pulong upang mas maging organisado at sistematiko ang daloy ng pulong.
  • Ayon kay suprasert:
    Nakapokus o Nakatuon Lamang sa Nakatalang Adyenda - bilang kalihim mahalagang mabantayan lahat ng tinatalakay na paksa sa pulong ay yaon lamang kasama o nakasaad sa adyenda upang hindi masayang ang oras.
    Tiyaking ang Katitikan ng Pulong na Ginagawa ay Nagtataglay ng Tumpak at Kumpletong Heading - kailangang malinaw na nakatala ang pangalan, samahan o organisasyon, petsa, oras at lugar ng pulong. Gumamit ng Recorder kung Kinakailangan - makatutulong ng malaki kung gagamit ng recorder kung may puntos na nais balikan.
  • Ayon kay suprasert:
    Itala ang mga Mosyon o Pormal na Suhestiyon nang Maayos - ang mga mosyon o mga suhestiyong nabanggit sa pulong at sinusugan ng iba pang kasapi ay dapat maitala ng maayos sa katitikan ng pulong.
    Itala ang Lahat ng Paksa at Isyung Napagdesisyunan ng Koponan - mahalaga na matala lahat ng paksa at isyu gaano man ito kaliit o kalaking bagay.
    Isulat o Isaayos Agad ang mga Datos ng Katitikan Pagkatapos ng Pulong - ang pag-oorganisa at pagsusulat ng katitikan ng pulong ay dapat na maisagawa agad upang hindi makaligtaan.
  • Mga dapat tandaan sa pagsusulat ng pulong
    Bago ang Pulong
    Habang isinasagawa ang Pulong
    Pagkatapos ng Pulong
  • Bago ang Pulong
    Magpasiya kung anong paraan pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
    Tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kasangkapan na gagamitin.
    Gamitin ang adyenda para gawin ang balangkas ng katitukan ng pulong nang mas maaga. Makakatulong dito ang paglalaan ng espasyo sa bawat paksa.
  • Habang Isinasagawa ang Pulong
    Magpaikot ng listahan ng taong kasana sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
    Kilalanin ang bawat isa upang mas mapadali angpagkilala sa kung sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.
    Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
    Itala lamang ang mga mahahalagang ideya o puntos. Tandaan na ang katitikan ng pulong ay isang opisyal at legal na dokumento ng isang samahan o organisasyon.
  • Habang isinasagawa ang Pulong
    Itala ang mga suhestiyon o mosyon, pangalan ng taong nagbanggit, ang mga sumang ayon at ang resulta ng botohan.
    Itala ang mga mosyong pagbobotohan at pagdedesisyunan sa susunod na pulong .
    Itala kung anong oras natapos ang pulong.
  • Pagkatapos ng Pulong:
    Maiiging gawin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang mga tinalakay.
    Itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, komite, uri ng pulong at maging ang layunin nito.
    Itala ang oras kung kallan ito nagsimula at natapos.
    Isama ang listahan ng mga dumalo lalo na ang pangalan ng nanguna sa pagpaoadaloy ng pulong.
  • Pagkatapos ng Pulong
    llagay ang "Isinumite ni:" kasunod ang iyong pangalan sa katapusan ng katitikan. Basahing muli ang katitikan ng pulong para sa huling pagwawasto nito. Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.
  • Posisyong Papel
    ito ay salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinusulat ng may-akda o natukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal.
    nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
    ginagamit din ito ng mga malalaking organisayon upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.
    pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong iniharap gamit ang ebidensya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa.
  • Posisyong Papel
    kagaya ng debate, na naglalayong maipakaita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagududlot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsyon ng mga tao. ay isang sanaysay na naglalahad ng opinion hinggil sa isang isyu o paksa, naglalahad din ito ng paninindigan hinggil sa isang problema o isyu.
  • Mga Kailangan sa Pagbuo ng Posisyong Papel:
    Gumamit ng katibayan upang suportahan ang iyong posisyon tulad ng ebidensyang istatistikal, petsa at mga kaganapan.
    Patunayan ang iyong posisyon sa tulong ng mga kapani-paniwalang sanggunian o pangunahing pinagkukunan ng sipi.
    Suriin ang mga posibleng solusyon at magmungkahi ng mga aksyon.
  • Panimula
    dapat malinaw na makilala ang pagpapakilala, ang mga isyu at estado ng posisyon ng may-akda.
    ito ay dapat na nakasulat sa isang paraan na nakakakuha ng pansin sa mambabasa.
    dito dapat malinaw ang pagkakakilanlan ng mga isyu at pagpapahayag ng posisyon.
  • Tatlong Bahagi ng Posisyong Papel:
    Panimula
    Katawan
    Kongklusyon
  • Katawan ito ay maaaring maglaman ng ilang mga talata. ang bawat talata ay dapat nagpapakita ng isang ideya o pangunahing konsepto na naglilinaw ng isang bahagi ng pahayag sa posisyon at ito ay sinusuportahan ng mga ebidensya o katotohanan. ang mga katibayan ay maaaring maging pangunahing pinagkunan ng sipi, statistical data, mga panayam sa mga eksperto, at hindi mapag-aalinlanganang petsa o mga kaganapan. ang mga katibayan ay dapat ding humantong sa pasaklaw na pangangatuwiran patungo sa pangunahing konsepto o ideya na ipinakita sa talata.
  • Katawan
    ay maaaring magsimula sa ilang mga saligang impormasyon at dapat isama ang isang talakayan ng magkabilang panig ng isyu.
  • Kongklusyon
    dapat ibinubuod nito ang mga pangunahing konsepto at ideya at pinatitibay ito nang walang pag-uulit, ang pagpapakilala o katawan ng papel. ito ay maaaring magsama ng mga iminungkahing aksyon at mga posibleng solusyon.
  • Mga Dapat Isaalang-alang para sa Mabisang Pangangatwiran:
    • Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.
    • Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
    • Sapat na katwiran at katibayan na makapagpatunay.
    • Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang manghikayat.
    • Pairalin ang pagsasaalng-alang, katarugnan, at bukas na isipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
    • Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran.
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel:
    Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.
    Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
    Bumuo ng thesis statement o pahayag ng thesis.
    Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng thesis o posisyon.
    Magpatulog sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya.
    Buoin ang balangkas ng posisyong papel.
  • Dalawang Uri ng Ebidensiya:
    Mga Katunayan - ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalashaan, at nadama.
    Mga Opinyon - pananaw ng tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi sa ipinalagay lamang na totoo.
  • Balangkas ng Posisyong Papel:
    • Introduksiyon o Panimula
    • Argumento o Paglalahad ng Counter Argument
    • Paglalahad ng Sariling Opinyon
    • Pangwakas o Kongklusyon
  • Introduksiyon o Panimula
    pagpapaliwanag o paglalahad ng paksa o paglalahad ng nga pangunahing ideya na kung saan ito ay makakakuha sa atensiyon ng mambabasa.
    sa bahagi rin ito nilalahad ng manunulat ang kanyang layunin ukol sa paksa.
  • Argumento o Paglalahad ng Counter Argument
    dito nilalahad ang mga datos o ebidensiya na magpapatunay na walang katotohanan ang mga maaaring gagamiting argumento laban sa paksa o tutol sa thesis statement.
    ang opinyong inilalahad rito say maaaring gaming sa may akda mismo o nakabase sa opinyon ng isang eksperto.
  • Paglalahad ng Sariling Opinyon
    dito nilalahad ng manunulat ang kanyang ari king opinyon, ideya, pananaw, paniniwala o paninindigan ukol sa paksa.
    dapat ang paglalahad nito ay nakakaagaw ng pansin at interest.
  • Pangwakas o Kongklusyon
    dito naman nilalahad ang buod o ang naturang punto, ideya at argumentong inilalahad sa mga naunang talata.
    dito rin nakasaad ang mga plano o aksiyon na magsisilbing hamon para sa mga mambabasa.
  • Repliktibong Sanaysay
    Repleksyon
    ay isang salitang hiram na mayroong tatlong kahulugan.
    una, ang repleksyon ay ang pagtalbog ng isang imahe pabalik sa iyong mata.
    ikalawa, maaring mangahulugan ang repleksyon ng iyong pagiisip nang malalim at malagom.
    pangatlo, ang replekson ay maaaring nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik-tanaw.