Sitwasyong pangwika

Cards (27)

  • Ano ang pinakamakapangyarihang media sa Pilipinas?
    Telebisyon
  • Anong wika ang nagungunang midyum sa telebisyon sa Pilipinas?
    Wikang Filipino
  • Bakit mahalaga ang pagdami ng palabas pantelebisyon sa pag-unawa ng wikang Filipino?

    Dahil ito ay nag-aambag sa kakayahan ng mga mamamayan na makapagsalita at makaintindi ng wikang Filipino
  • Ano ang mga uri ng palabas na gumagamit ng wikang Filipino sa telebisyon?
    • Teleserye
    • Pantanghaling palabas
    • Magazine show
    • News and public affairs
    • Komentaryo
    • Dokumentaryo
    • Reality TV
    • Programang pang-showbiz
    • Programang pang-edukasyon
  • Anong mga programa ang halimbawa ng mga pantanghaling palabas sa Pilipinas?

    Eat Bulaga at Showtime
  • Ano ang epekto ng pagdami ng manonood ng telebisyon sa wikang Filipino?

    Mas lumalakas ang hatak ng midyum na ginagamit sa mga mamamayang Pilipino
  • Anong wika ang nangungunang ginagamit sa radyo at diyaryo sa Pilipinas?

    Wikang Filipino
  • Ano ang karaniwang wika na ginagamit sa mga pamprobinsyang programa sa radyo?

    Wikang rehiyunal
  • Bakit mas binibili ng masa ang mga tabloid kaysa sa broadsheets?
    Dahil sa mura at nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan
  • Ano ang pagkakaiba ng lebel ng Filipino sa mga tabloid kumpara sa mga broadsheet?

    Ang lebel ng Filipino sa mga tabloid ay hindi pormal kumpara sa mga broadsheet
  • Anong wika ang ginagamit sa mga lokal na pelikula sa Pilipinas?

    Wikang Filipino
  • Ano ang layunin ng paggamit ng Filipino sa mga pelikula?

    Upang makaakit ng mas maraming manonood
  • Ano ang mga midyum kung saan ginagamit ang wikang Filipino?

    • Telebisyon
    • Radyo
    • Pelikula
    • Diyaryo
  • Ano ang pangunahing wika sa mga boardroom ng malalaking kompanya?
    Wikang Ingles
  • Saang mga lugar nananatiling nasa wikang Filipino ang wika sa kalakalan?

    Sa pagawaan, mall, restawran, pamilihan, at palengke
  • Bakit ginagamit ang wikang Filipino sa mga patalastas?

    Dahil umaakit ito sa mas maraming mamimili
  • Ano ang mga antas ng wika sa edukasyon sa K-12 Curriculum?
    • K to 3: Unang wika
    • Mataas na antas: Bilinguwal (Filipino at Ingles)
  • Ano ang layunin ng mga batas at pamantayan sa mga paaralan tungkol sa wika?

    Upang malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral
  • Ano ang nag-aatas sa lahat ng kagawaran na gumamit ng Filipino sa opisyal na transaksyon?
    Atas Tagapagpaganap Blg. 335 s. 1988
  • Ano ang epekto ng paggamit ng Filipino sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan?

    Naging malawak ang paggamit ng wika sa iba't ibang antas at sangay ng pamahalaan
  • Ano ang karaniwang ginagamit na paraan ng pagpapahayag sa pagbuo ng mensahe sa text?
    Code-switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino
  • Ano ang tawag sa mga tao sa mundo ng social media?
    Netizens
  • Ano ang pangunahing wika sa mga website na mapagkukunan ng kaalaman?
    Wikang Ingles
  • Ano ang mga anyo ng kulturang popular na gumagamit ng wika?
    • Flip Top
    • Pick up Lines
    • Hugot
  • Ano ang katangian ng Flip Top?

    Walang nakasulat na iskrip at kadalasang impormal ang gamit ng wika
  • Ano ang layunin ng mga Pick up Lines?

    Upang magpansin, magpakilig, at magpa-ibig
  • Ano ang karaniwang wika na ginagamit sa mga Hugot lines?

    Kadalasang nakasulat sa Filipino, madalas Taglish