Imperyalismo at kolonyalismo

Cards (18)

  • Ano ang tinutukoy ng imperyalismo sa Timog Silangang Asya?

    Proseso ng pamamalagi ng mga Europeo at pagkakaroon ng kapangyarihang politikal sa malalaking bahagi ng daigdig.
  • Ano ang tawag sa proseso ng pagsakop sa isang bansa?
    Kolonyalismo
  • Ano ang tawag sa mga mananakop?
    Kolonyalista
  • Ano ang mga aspeto ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon sa mahina at maliit na nasyon?

    • Aspetong pang-politika
    • Pangkabuhayan
    • Kultural na pamumuhay
  • Ano ang mga dahilan kung bakit naganap ang unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya?

    Paglunsad ng krusada, paglalakbay ni Marco Polo, paghahanap ng rutang pangkalakalan, panahon ng paggalugad at pagtuklas, paniniwala sa merkantilismo.
  • Ano ang paglunsad ng krusada?
    Isang serye ng mga relihiyosong kampanya na inilunsad ng mga Kristiyano upang mabawi ang Banal na Lupain mula sa mga Muslim.
  • Kailan nagsimula ang mga Krusada?

    Nagsimula noong 1095 at tumagal ng halos 200 taon.
  • Ano ang naging epekto ng paglalakbay ng mga kalbaryo sa Asya?

    Nakita nila ang kagandahan ng kontinente at ang kanilang mga akda ay nakarating sa Europa.
  • Sino si Marco Polo at ano ang kanyang kontribusyon sa kasaysayan?
    Siya ay anak ni Niccolo, isang mangangalakal sa Venice, at naglakbay sa China na pinamumunuan ni Kublai Khan.
  • Ano ang naging relasyon ni Marco Polo kay Kublai Khan?

    Naging magkaibigan sila at binigyan siya ni Kublai Khan ng pagkakataong maglingkod sa kanyang pamahalaan.
  • Ano ang nakita ni Marco Polo sa kanyang pananatili sa China?

    Nakita niya ang kagandahan ng kabihasnang Tsino, kultura, mga gawaing panrelihiyon, at masaganang likas na yaman ng bansa.
  • Ano ang nilalaman ng aklat na "Travels of Marco Polo"?

    Mga kagandahan ng China at iba pang bahagi ng Asya.
  • Ano ang nangyari kay Marco Polo noong 1920?

    Sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Venice at Genoa at nabihag siya ng mga taga-Genoa.
  • Ano ang naging tanyag na produkto ng Asya sa Europa?

    Panpalasa, seda, at mga mamahaling bato tulad ng ginto, diyamante, at ruby.
  • Bakit mahalaga ang Constantinople sa sinaunang kalakalan?

    Dahil ito ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng Asya at Europa.
  • Ano ang panahon ng paggalugad at pagtuklas?

    Panahon kung kailan nagsimulang maglakbay ang mga Europeo upang tumuklas ng bagong lupain at mga bagong rutang pangkalakalan.
  • Ano ang paniniwala sa merkantilismo?

    Tumutukoy ito sa paniniwala na ang tunay na panukat sa kayamanan ng isang bansa ay ang kabuuang dami ng ginto at pilak na mayroon ito.
  • tawag sa bansang sinakop ay kolonya