Maaaring makaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa, ay maaaring maganda sa isang naglalarawan habang sa isa naman ay hindi kung ito ay nagdulot sa kanya ng isang magandang karanasan.