Ang Lokasyon ng Pilipinas

    Cards (17)

    • Ano ang kahulugan ng heograpiya?
      Ang heograpiya ay tumutukoy sa kinalalagyan at pisikal na anyo ng isang bansa.
    • Saan matatagpuan ang Pilipinas?
      Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog-Silangang Asya.
    • Ano ang lokasyong insular at paano ito nauugnay sa Pilipinas?
      • Ang lokasyong insular ay pagtukoy sa lokasyon batay sa mga katubigang nakapaligid.
      • Ang Pilipinas ay napaliligiran ng iba't ibang anyong tubig.
    • Ano ang lokasyong bisinal at paano ito nauugnay sa Pilipinas?
      • Ang lokasyong bisinal ay pagtukoy sa lokasyon batay sa mga bansang nakapaligid.
      • Ang Pilipinas ay napaliligiran ng maraming lugar at bansa.
    • Ano ang pagkakaiba ng Pilipinas sa ibang mga bansa sa konteksto ng heograpiya?
      • Ang Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng maraming pulo.
      • Walang anomang bansa ang nakadikit dito.
    • Ano ang kabuuang bilang ng mga pulo na bumubuo sa Pilipinas?
      7641 pulo
    • Paano ikinumpara ang laki ng Pilipinas sa Italya?
      Ang Pilipinas ay halos kasinlaki ng Italya
    • Ano ang tawag sa kapatagan sa Gitnang Luzon na nagmumula ang pinakamalaking suplay ng bigas sa bansa?
      "Rice Granary of the Philippines"
    • Ano ang tawag sa bulkan na nasa Lawa ng Taal?
      Bulkang Taal
    • Ano ang tawag sa mga burol sa pulo ng Bohol?
      Chocolate Hills
    • Ano ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas?
      Bundok Apo
    • Ano ang pinaka-mahabang ilog sa buong Pilipinas?
      Ilog Cagayan
    • Ano ang tawag sa talon na matatagpuan sa Antipolo?
      Hinulugang Taktak
    • Ano ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas?
      Lawa ng Laguna
    • Ano ang mga isda na nahuhuli sa Lawa ng Taal?
      Tawilis, maliputo, bangus, at tilapia
    • Ano ang tawag sa tulay na nagdurugtong sa Samar at Leyte?
      Tulay ng San Juanico
    • Ano ang mga talon na matatagpuan sa Mindanao?
      Talon ng Lapuyan at Talon ng Maria Cristina