TALUMPATI

Cards (46)

    • uri ng sanaysay na binibigkas at pinakikinggan
    talumpati
  • uri ng pakikipagtalastasang pangmadla nagpapaliwanag, nagsasalaysay, naglalahad, at
    nangangatwiran sa parang pabigkas.
    talumpati
  • ang talumpati ay _____ at _____
    na pagpapahayag ng ideya sa
    pasalitang pamamaraan na may grupo ng tao na inaasahang manonood o makikinig.
    masining at pormal
  • panginahing layunin ng talumpati
    makapanghikayat
  • pangkalahatang uri ng talumpati
    • impromptu (biglaan)
    • extemporaneo (maluwag)
    • isinaulo
    • binasa
  • uri ito ng talumpati kung saan ang tagapagsalita ay binibigyan ng maikling panahon para maghanda pagkatapos maibigay ang paksa o tanong
    maluwag
  • uri ng talumpati ayon sa pagkakataon
    • talumpati ng pagtanggap
    • talumpati sa pagtatapos
    • luksampati
    • talumpati ng pamamaalam
    • talumpati ng pag-aalay
    • brindis
  • uri ito ng talumpati na binibigkas ng mag-aaral na nagkamit ng pinakamataas na karangalan sa araw ng kanilang pagtatapos
    talumpati sa pagtatapos
  • uri ng talumpati na binibigkas kapag aalis na sa isang katungkulan o isang posisyon

    talumpati ng pamamaalam
  • uri ng talumpati na binigbigkas sa isang salusalo na nagpapahayag ng pagpapahalaga at pagkilala sa tao
    halimbawa nito ay sa isang debut
    brindis
  • uri ng talumpati na binibigkas bilang pagdakila o pagpaparangal sa isang taong namayapa na

    luksampati
  • uri ng talumpati na nagbibigay papuri sa piling tao, bayani, o panauhing pandangal

    talumpati ng pag-aalay
  • bahagi ng talumpati
    • simula
    • katawan
    • wakas
  • bahagi ng talumpati na responsable sa pagkuha ng atensyon at pamukaw sa interes upang ipagpatuloy ng audience ang kanilang pagbabasa o pakikinig

    simula
  • bahagi ito ng talumpati na naghahanda sa mga tagapakinig

    simula
    • ginagawa sa paraang sistematiko at organisadong paglalatag ng mga punto, ideya, at iba pang mga nais sabihin

    katawan
  • upang magkaroon ng nilalaman ang talumpati
    pananaliksik
  • sa pamamagitan nito, nagagabayan ang isang manunulat sa isinusulat na talumpati
    balangkas
  • bahagi ito ng talumpati na itinuturing na pinakamabigat

    katawan
  • ito'y muling pag-uulit at pagdidiin sa mahahalagang punto ng binigkas na akda

    wakas
  • sa bahaging ito nagkakaroon ng pagbubuod at paglalagom na kadalasang estratehiya
    wakas
  • sa bahaging ito ay madari ring mag-iwan ng hamon o tanong ang tagapagsalita

    wakas
  • bahagi ng talumpati na nag-iiwan ng pinakamahalagang kakintalan sa mga tagapakinig

    wakas
  • mga hakbang sa pagsulat ng talumpati
    1. Pag-alam sa mga tagapakinig okasyon
    2. Pagtukoy sa layunin ng talumpati
    3. Pagpili ng paksa
    4. Pangangalap ng datos
    5. Pagpili ng estilo sa pananalumpati
    6. Pagbuo ng balangkas
    7. Pagsulat ng introduksiyon
    8. Pagbuo ng katawan ng talumpati
    9. Pagsulat ng kongklusyon
    10. Pag-e-edit at rebisyon
    11. Paghahanda para pagtatanghal
  • gabay sa pagtatalumpati 

    1. Panatilihing payak ang mga salitang gagamitin.
    2. Gamitin ang wika ng tagapakinig.
    3. Tiyakin ang tono, kumpas ng kamay, at husay ng pananalita.
    4. Maging malay sa oras.
    5. Gumamit ng malikhaing pamamaraan.
  • kasangkapan sa pananalumpati
    • tinig
    • tindig
    • galaw
    • kumpas ng kamay
  • kasangkapan sa pagtatalumpati kung saan ay sinasaalang-alang ang bilis at hinahon ng pananalita.

    tinig
  • isinasaalang-alang sa tinig ang:

    • tulin o bilis ng pananalita
    • pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o mensahe na kailangang maunawaan ng tagapakinig
    • tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig, at
    • paglakas at paghina ng tinig
  • sikaping maging magaan ang katawan at nakarelaks habang nagsasalita sa harap ng mga tagapakinig

    tindig
  • tindig ito na dapat iwasan ng isang tagapagsalita o mananalumpati kapag nasa entablado

    tindig militar
  • tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa madla o mga tagapakinig

    galaw
  • nasasaklaw ng galaw ang…

    • ang mata
    • ekspresyon ng mukha
    • tindig
    • galaw ng ulo at katawan
    • ginagamit sa pagbibigay-diin sa sinasabi.
    kumpas ng kamay
  • nagpapahiwatig ito ng dakilang damdamin
    Palad na itinataas habang nakalahad
  • nagpapahiwatig ito ng marahas na damdamin
    Nakataob na palad at biglang ibinababa
  • nagpapahiwatig na ito ay mababang uring kaisipan o damdamin
    Palad na bukas at marahang ibaba
  • nagpapahayag ng pagkapoot o galit o pakikilaban
    Kumpas na pasuntok
  • nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghahamak
    Paturong kumpas
  • nagpapahiwatig ng matimping damdamin
    Nakabukas na palad at magkalayo ang mga daliri at unti-unting ititikom
  • pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng nagsasalita
    Bukas na palad, paharap sa nagsasalita