Ayon kay William Morris, ang pagbasa ay ang pagkilala sa kahulugan ng mga nakasulat na salita.
Ayon sa Webster Dictionary, ang pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat, sulatin, o ibang nasusulat na bagay.
Katangian ng Pagbasa
Naiuugnay sa pakikinig, pag-unawa, at pagsulat - Nagkakaroon ng ideya kung ano ang dapat isulat base sa binasa.
Lumilinang ng iba’t ibang kakayahan
Kasanayan sa pagkuha ng pangunahing at kaugnay na detalye.
Kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay.
Nadadagdagan ang kaalaman - Napapalalim ang kaalaman sa isang bagay.
Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan - Nalalaman ang kahulugan ng mga bagong salita.
Nakararating sa pook na di pa nararating - Nalalaman ang impormasyon tungkol sa ibang lugar.
Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan - Nakabubuo ng prinsipyo mula sa binasa.
Nakakukuha ng mga mahahalagang impormasyon - Nagkakaroon ng bagong kaalaman.
Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin - Nakakapagbigay-aliw at nakakabawas ng stress.
Nagbibigay ng inspirasyon sa nakikita ng iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig - Nakakakita ng iba’t ibang perspektibo sa buhay.
William Morris, editor-in-chief ng “The American Heritage” at awtor ng “Your Heritage Dictionary of Words”
Paghahanda sa Pagbasa
Paghahawan ng Sagabal
Angkop na Lugar
Pagpopokus ng Atensyon
Pamilyarisasyon sa Teksto
Paghahawan ng Sagabal - Iwasan ang mga distraksyon para sa konsentrasyon.
Angkop na Lugar - Magbasa sa lugar na tahimik at may kaayusan, tulad ng silid-aklatan.
Pagpopokus ng Atensyon - Tapusin ang binabasa para sa mas epektibong pag-unawa.
Pamilyarisasyon sa Teksto - Basahin ang pamagat, alamin ang awtor, at suriin ang mga hindi pamilyar na salita.
Teoryang Bottom-Up - Ang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto patungo sa mambabasa. Ito ay tinatawag din na outside-in o data driven
Gestalt - naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik.
Teoryang Top-Down - Ang pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Tinatawag din na inside-out o conceptually-driven
Teoryang Interaktib - Kombinasyon ng bottom-up at top-down, may interaksyon sa pagitan ng mambabasa at teksto.
Teoryang Iskima - Ang dating kaalaman ng mambabasa ay nakakatulong sa pag-unawa ng binabasa.
Malakas na Pagbasa - Ginagamit sa mga pampublikong presentasyon tulad ng seminar.
Pagbasa ng Tahimik - Ginagamit para sa sariling pag-aaral at malalim na pag-unawa.
Antas Faktwal – Ito ay payak na paggunita sa mga nakalahad na impormasyon.
Antas Interpretatib - Isa pang katawagan dito ay pagpapakahulugan; hindi katuturan ang layunin nito kundi ang nagkukubling kaalaman o kaisipan.
Antas Interpretatib
“reading between the lines”
Antas Aplikatib - Paglalapat ng mga taglay na iskemata ng mambabasa sa tekstong binabasa.
Antas Aplikatib
“reading beyond the lines”
Antas Transaktib - Maliban sa ikemata at paglalapat nito sa kaugnay na konsepto, mahalaga ring salik ang pansariling pagpapahalaga o value system ng mambabasa.
Antas Transaktib
“reading beyond character”
Ang wastong komprehensyon ay bunga ng intensibong pag-unawa at paggamit ng dating kaalaman.
Literal na Pag-unawa - Ito ay nakatuon sa mga ideyang lantad na nakalahad sa kabuuan ng teksto.
Interpretasyon - Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa pangunahing ideya, paglalahat, panghinuha, hambingan at kontras.
Mapanuring Pagbabasa - Pinapagana ang mapanuring pag-iisip kung saan sinusukat, tinitimbang, inuuri at inaantasan ang mga kaalamang nabasa.
Pagpapahalaga - Ito ang pag-aangkop ng mga kaisipan at konsepto sa isang konkreto at mapanghahawakang bagay.
Aplikasyon o Paglalapat ng mga kaisipan - Dito pumapasok ang mga personal na valyus ng mambabasa.