Mga Bahagi ng Pananalita

Cards (11)

  • Pandiwa (verb) - ay salitang nagpapahiwatig ng kilos o galaw. Nagbabago ang anyo nito ayon sa panahon kung kailan nagawa o naganap ang kilos.
    e.i kain, takbo, basa
  • Pangatnig (conjunction) - ay sangkop o bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay, o pangungusap. Ito ay karaniwang ginagamit upang gawing malinaw o mayaman ang diwa ng pangungusap.
    e.i ngunit, subalit, saka, dahil, samantala, sapagkat
  • Pang-abay (adverb) - ay mga salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
  • Pang-ukol (preposition) - ay sangkop ng pananalita na nag-uugnay ng pandiwa, pang-abay, o pangngalan sa pinag-uukulang tao, pook, bagay, o pangyayari.
    e.i ukol sa, ayon kay, laban sa, ng, ayon sa, sa, hinggil kay, ni, tungkol kina, alinsunod sa
  • Pang-angkop (connector/ligature) - ay mga salitang ginagamit natin sa pag-uugnay ng dalawang salita. Iniuugnay nito ang mga salita at mga salitang panuring o naglalarawan tulad ng pang-uri at pang-abay. Ito ay mga katagang -ng, -na, at -g.
  • Ang -ng ay ginagamit sa pag-uugnay ng salitang nagtatapos sa patinig.
    e.i totoong tao, masayang bata, babaeng maganda, biniling pagkain
  • Ang -g ay ginagamit kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n at idinurugtong ito sa unang salita.
    e.i bayanG magiliw, mayamanG pamilya, mamamayanG tapat paaralanG malaki
  • Ang -na ay pang-angkop na ginagamit sa pag-uugnay ng mga salitang natatapos sa katinig maliban sa n
    e.i maayos na lipunan, tunay na dakila, makisig na lalaki
  • Pangngalan (noun) - tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.
    e.i Maria, Aklat, Makati, Kabayo, Bakasyon.
  • Panghalip (pronoun) - inihahalili o pamalit sa pangngalan o ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
    e.i ako, siya, tayo, kami, ito, iyan, iyo
  • Pang-uri (adjective) - mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Maaari nitong ilarawan ang isang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
    e.i TAHIMIK na lugar ang sagada.