Ang pamilya ang una at pinakamahalagang bahagi ng lipunan. Likas sa pamilya ang makipag-uganayan sa ibang pamilya at sa buong lipunan.
May dalawang papel ang pamilya sa lipunan:
Panlipunan
Pampolitikal
PANLIPUNAN - Ito ay ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay lalo na sa mga higit na nangangailangan.
PAMPOLITIKAL - Ito naman ay ang mapanagutang pagsunod at pagbabantay sa pagsasakatuparan ng mga batas at institusyong panlipunan para sa kagalingan ng mga pamilya at mamamayan.