PAGSULONG SA MAKATAONG UGNAYAN - Ito ay ang likas na kontribusyon ng pamilya sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Ang mga kasapi ng pamilya ay nahuhubog ng makataong pagtingin sa isa’t-isa bago pa man sila lumabas sa tahanan.
2. PAGBIBIGAY SERBISYO SA KAPUWA PAMILYA - Gampanin ng isang pamilya ang magmalasakit sa kabutihan ng ibang pamilya sa pamayanan. Halimbawa, ang Gawad Kalinga (GK) ay isang organisasyong naghahamon sa mga pamilya at mga kasapi nito na maging maasikaso at mapagbigay sa loob ng tahanan hanggang sa kapuwa.
3. MAGILIW NA PAGTANGGAP SA PAMILYANG NASA KAGIPITAN - Ang mabuting pamilya ay handa sa malugod na pagtanggap sa kapuwa lalo na sa panahon ng kagipitan o biglaang pangangailangan gaya ng sumusunod:
a.Pakikiramay kapag namatayan ang kapuwa pamilya
b.Pagpapakain sa mga nagugutom o walang hanapbuhay
c.Pagbibigay-silong sa mga nawalan o nasunugan ng bahay
d.Pagpapaaral sa mga anak ng mahihirap na pamilya
4. PAKIKILAHOK AT PAKIKIISA SA BANSA AT SA MUNDO PARA SA KABUTIHANG PANLAHAT - Ang pamilya ay mahalagang bahagi ng mundo. Ang pamilya ay may gampanin sa pagpapaunlad ng bansa, kaya mayroon din itong gampanin sa pagpapaunlad ng mundo
4. PAKIKILAHOK AT PAKIKIISA SA BANSA AT SA MUNDO PARA SA KABUTIHANG PANLAHAT - Kailangan ng pamilya na makiisa sa bansa at sa mundo kaugnay sa usaping pandaigdigang pagkakaisa, pagbabago ng klima, katarungan, kalayaan ng mga tao at kapayapaan.